Aktibong pulis at 2 iba pa huli sa 'shabu' session sa Taguig

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Aktibong pulis at 2 iba pa huli sa 'shabu' session sa Taguig

Zhander Cayabyab,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 02, 2018 05:04 PM PHT

Clipboard

MAYNILA (UPDATED) – Arestado ng mga operatiba ng Taguig City police station Sabado ang isang babaeng kabaro at 2 iba pang kasamahan nito habang gumagamit ng "shabu."

Kinumpirma ni National Capital Region Police Office chief Guillermo Eleazar na isa mga nahuli ay aktibong pulis na miyembro ng Special Action Force at may ranggong Police Officer 3.

"Nalulungkot tayo na mayroon tayong kasamahan na babae pa man din na involve sa droga," aniya.

"She has been in the service for 11 years, recruited ng Special Action Force, 38-years old and presently assigned at the Force Support Battalion based in the national headquarters ng Special Action Force in Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City."

ADVERTISEMENT

Kasamang naaresto ng babaeng pulis ang kaniyang boyfriend at ama ng lalaki.

Nahuli ang 3 sa akto umanong nagsa-shabu session.

"May reported theft so may complainant na lumapit sa ating kapulisan para magpatulong. During the follow-up, mayroon silang nakitang tumatakbo na may dalang baril. Sinundan nila ito ngayon hanggang sa mapunta sa lugar na ito kung saan nakita nila ngayon itong tatlo na nagkakaroon ng pot session," kuwento ni Eleazar.

Kasamang nakumpiska sa kanila ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu, 41 piraso ng iba't-ibang mga bala, at isang replica ng baril.

"Walang lugar o puwang sa ating organisasyon ang sinumang abusado o pulis na na-involve sa anumang illegal activities, lalung-lalo na sa ilegal na droga," sabi ni Eleazar.

ADVERTISEMENT

Iniimbestigahan rin kung totoo ang impormasyong sangkot sa ilang insidente ng panghoholdap ang 3 suspek.

Todo hingi naman ng paumanhin ang babaeng pulis sa kaniyang mga kabaro.

"Humihingi po ako ng tawad, saka sa unit ko po hindi ko po kayo gustong siraan. Ayaw ko pong madawit kayo kaso pasensiya na po hindi ko po gustong madawit kayo," sabi ng babaeng suspek.

Bukod sa kasong kriminal na ipapataw sa kanila, nahaharap rin ang babaeng pulis sa kasong administratibo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.