ATM cards, balak gamitin sa pamimigay ng ayuda sa mga magsasaka
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ATM cards, balak gamitin sa pamimigay ng ayuda sa mga magsasaka
ABS-CBN News
Published Jun 02, 2022 05:13 PM PHT

Para mapadali ang pamamahagi ng cash assistance sa mga magsasaka, balak ng Department of Agriculture (DA) na idaan ito sa ATM cards.

Ayon kay Engr. Arnel De Mesa, DA Assistant Secretary for Field Operations, planong i-convert sa ATM card ang Interventions Monitoring Card ng mga magsasaka.

Ginagamit na ito sa pamimigay ng cash assistance sa mga magsasaka ng palay sa ilalim ng Farmers Financial Assistance Program.

Nasa 1.5 milyong magsasaka ang planong maabutan ng tulong pinansyal at ayon sa DA, higit isang milyon magasasaka na ang nakatanggap nito. Prayoridad ng kagawaran na mabigyan ang mga magsasakang hindi pa nakatanggap.

“Kung hindi ka pa nakatanggap, priority ka. Kung nakatanggap ka na minsan, second priority ka. Kung nakatanggap ka na maraming beses, least priority ka muna,” paliwanag ni De Mesa.

Ayon naman kay DA spokesperson Undersecretary Noel Reyes, may 28,654 corn farmers at mga mangingisda ang naabutan na ng fuel subsidy na P3,000. P500 million ang budget para sa ayuda na target maipamahagi hanggang June 30.

“Itong fuel discount program, pag naubos po ito, nangako rin ang ating kasamahan sa economic development cluster na dadagdagan ng 600 million itong ating fuel discount program,” ayon kay De Mesa.

-- Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT