Dating PBA player Paul Alvarez, arestado | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dating PBA player Paul Alvarez, arestado

ABS-CBN News
Published Jun 03, 2017 10:13 PM PHT

Arestado ang dating PBA player na si Paul Alvarez matapos maaktuhang gumagamit ng iligal na droga sa isang boarding house sa Anonas Extension cor. V. Luna Street sa Brgy. Sikatuna Village sa Quezon City Sabado ng gabi.

Ayon sa inisyal na impormasyon mula sa pulisya, isisilbi sana ng mga operatiba ng District Special Operation Unit ang warrant of arrest laban kay Alvarez dahil sa kasong slight physical injuries.

Nang pasukin ang kinaroroonan nito, naaktuhan ang dating PBA player na gumagamit umano ng iligal na droga.

Kasamang naaresto sa operasyon ang dalawang iba pang lalaking kinilalang Mohammad Dana at Ray Allan Cruz na nahuli ring gumagamit ng droga.

Sa mga oras na ito ay patuloy pa ang inventory ng pulisya sa nasabing operasyon.