ALAMIN: Mga puwede, bawal sa pagtanggap ng dine-in customers sa MGCQ

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Mga puwede, bawal sa pagtanggap ng dine-in customers sa MGCQ

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 03, 2020 07:38 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Naglatag na ng kondisyon ang pamahalaan sa pagtanggap ng mga dine-in customer sa ilalim ng modified general community quarantine.

Sa ilalim ng mga patakaran, kailangan ang regular na paglilinis sa mga high-contact areas tulad ng pinto, mesa at iba pa.

Dapat ding mag-sanitize ng kamay ang mga kustomer at server bago mag-order o magbayad.

Dapat ding magkaroon ng contactless transaction.

ADVERTISEMENT

Dapat ding may nakalapag na menu para ituro na lang ang order, at dapat ding may tray na paglalagyan ng pera.

Kung fast food chain, maaari pa ring pumila ang mga kustomer basta't may physical distancing.

Mas maganda naman kung lalagyan ng dividers ang mga mesa para mas maraming ma-accomodate na customer.

"Kung wala mga 50% ng capacity pero kung may divider ok lang na magkalapit so mga 80% ang papayagan," ani Trade chief Ramon Lopez.

Pagtutulungan ng DTI at ng mga lokal na pamahalaan ang pagmonitor ng nasa 10,000 hanggang 15,000 establishments.

ADVERTISEMENT

"We will [be] open for citizen feedback kahit sino po na customer na pumunta at sa tingin nila ay may mga violation hindi sinusunod puwede din po nilang i-report 'yon para mapuntahan kaagad ng pinakamalapit na safety health personnel," ani Lopez.

PAGHAHANDA

Nasa general community quarantine pa rin ang Metro Manila pero pinaghahandaan na ng ilang restoran sa Kamaynilaan ang pagbubukas ng kanilang mga operasyon.

Ang isang buffet restaurant, gagawin munang "ala carte" ang kanilang operasyon para sundin ang utos ng gobyerno na pagbawalan muna ang buffet dining.

Lilimitahan sa 40 o tig-2 ang tao sa kada mesa para masunod ang physical distancing, at pinag-aaralan na rin ang paglalagay ng acrylic dividers at hindi na papayagan kung saan-saan lang uupo ang mga customer.

"Dati pagpasok ng door pipili na 'yan kung saan uupo ngayon reception na magsasabi," ayon sa restaurant owner na si Michelle Choa.

ADVERTISEMENT

Maglalagay rin ang restoran ng foot bath at magkakaroon ng temperature checks bawat customer.

Ang mga waiter, isasailalim din sa sariling temperature check, pagsusuotin ng face shield, at kaukulang hygeine protocols.

"Kami sa food industry trained talaga hygiene but since this is a different time double triple the hygiene… 'Pag nag-i-interact face shield kahit kitchen ha and then remind to wash hands," ani Choa.

Una nang nagpaliwanag ang Department of Trade and Industry na mataas ang exposure sa buffet at self-service system sa hawahan.

"Anything talaga na naka-open palagay ko delicado yon kasi very exposed yung pagkain kahit sabihin mo nang tatakpan yon pero yug next na kukuha bubuksan ulit hindi mo alam yung condition ng next customer at nahawakan yung serving spoon or fork tapos ibabalik so so many touch points ninyo," ayon kay Trade chief Ramon Lopez.

ADVERTISEMENT

Ang may-ari ng karinderya na si Rustica Alano, mamarkahan na lang ang mga lugar na puwedeng upuan ng mga suki niya.

Hindi na rin siya tatanggap ng malalaking grupo at makikiusap na bilisan ng mga customer ang pagkain nila.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.