Pag-alis ng mandatory face shield policy hindi pa napapanahon: eksperto

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pag-alis ng mandatory face shield policy hindi pa napapanahon: eksperto

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Tutol pa ang isang infectious disease expert na tanggalin ang polisiya sa mandatory face shields habang may coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ayon sa infectious disease expert na si Rontgene Solante, mababa pa ang antas ng mga nagbabakuna, at maituturing pa rin na "added layer of protection" ang pagsusuot ng face shield.

"The fact that our vaccination rate is still not yet extensive, our vaccination rate is still very low and our compliance with face mask and face shield is not that good also. I cannot imagine na tayo tatanggalin 'yung face shield and then face mask na lang tapos mababa pa ang vaccination rate and alam natin kung face mask na lang wala ka nang face shield mas lalo tayong vulnerable," ani Solante.

Ayon sa datos, nasa 5 milyong indibidwal ang nabakunahan na kontra COVID-19. Sa bilang, 4,088,422 ang nabakunahan ng unang dose habang 1,293,750 ang nabakunahan ng ikalawang dose.

ADVERTISEMENT

Binanggit ito ni Solante kasunod ng panukala ni Manila Mayor Isko Moreno na pag-aralan kung kailangan pa talagang gumamit ng face shield.

"Gusto ko na ipatigil 'yang face shield na 'yan kasi dapat pag-aralan na natin maigi… Nakita mo ibang bansa? Tayo na lang bansa sa buong mundo yata nagfe-face shield. Ang face shield should be used in the hot zone, which is in the hospital," ani Moreno.

Dagdag niya: "Kung meron nang pag-aaral na mask is enough and vaccination adds up to the protection, then we should refrain and stop requiring people na mag-face shield. Una, gastos. Pangalawa, so much discomfort."

Pero kahit pa tumaas ang vaccination rate ng bansa, naniniwala si Solante na may kataasan pa rin ang bagong kaso ng COVID-19 kada araw.

Kung pag-aaralan aniya ang pagtanggal ng face shield ay dapat 70 hanggang 80 porsiyento na ng populasyon ang nabakunahan.

Ayon naman sa Department of the Interior and Local Government, puwedeng pag-aralan ng pandemic task force ang panukala ni Moreno tungkol sa face shield.

Pero naniniwala ang ahensiya na masyado pang maaga para bawasan ang proteksiyon hangga't hindi naaabot ang herd immunity sa bansa.

— Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.