Alamin: Mga dapat gawin kung nasa loob ng nasusunog na gusali
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Alamin: Mga dapat gawin kung nasa loob ng nasusunog na gusali
ABS-CBN News
Published Jun 04, 2017 05:25 PM PHT

Sa loob lamang ng 2-5 minuto, maaari nang matupok ng apoy ang isang bahay o maliit na gusali. Importante ang bawat segundo lalo na kapag may emergency. Ano ang mga kailangang gawin para maisalba ang iyong buhay?

Marami ang natataranta kapag biglang may sumiklab na sunog, kaya ang unang dapat gawin ay kalmahin muna ang sarili. Dapat din agad alertuhin ang mga kasama sa bahay o gusali.

Tantiyahin kung kaya pang apulahin ang apoy, kung masyado na itong malakas, huwag nang magdalawang-isip na lumabas na sa nasusunog na lugar.

Puwedeng gumapang sa sahig para iwasang malanghap ang makapal na usok at mainit na hangin.
Puwedeng gumapang sa sahig para iwasang malanghap ang makapal na usok at mainit na hangin.
ADVERTISEMENT
Ayon sa mga eksperto, nakamamatay ang usok na galing sa apoy na tinatawag na carbon monoxide.

Alalahanin din ang 'stop, drop and roll' o humiga sa sahig at magpagulong-gulong kapag nagliyab ang damit. Sa ganitong paraan, mawawalan ng oxygen ang apoy at mawawala ito.

Habang naghihintay ng tulong at hindi pa dumarating ang mga bumbero, makatutulong kung magpapasahan ng balde ng tubig para maisaboy sa apoy.
Mas mabuti rin kung may nakahandang fire extinguisher sa bahay o establisyimento. Sa paggamit nito, tandaan lang ang salitang: PASS.

Pull the pin (Hilahin ang pin)
Aim at the fire (Asintahin ang apoy)
Squeeze the lever (Pisilin ang hawakan)
Sweep from side to side (iwasiwas ang hose pakanan at pakaliwa)