Gunman sa 'Resorts': ex-DOF worker na lulong sa sugal

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Gunman sa 'Resorts': ex-DOF worker na lulong sa sugal

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 05, 2017 01:51 AM PHT

Clipboard

(UPDATE) Tukoy na ang lalaking umatake sa Resorts World Manila (RWM) noong Biyernes.

Siya ay si Jessie Javier Carlos, 42 anyos, residente ng Santa Cruz, Maynila.

Positibo siyang kinilala ng mismong pamilya niya.

Dating kawani ng gobyerno si Carlos na naka-destino sa One Stop Shop ng Department of Finance. Sinibak siya sa puwesto dahil sa umano’y maling deklarasyon at hindi pagsisiwalat ng ilang detalye sa kaniyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth.

ADVERTISEMENT

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Oscar Albayalde, base sa sinabi ng pamilya ng gunman, lulong sa pagsusual si Carlos. Baon na rin daw siya sa utang—mayroon siyang utang na P4 milyon sa bangko at may iba pa raw pinagkakautangan sa labas ng bangko.

Dahil sa bisyo at sa pagkakautang, nagkaroon ng lamat ang relasyon ng gunman sa kaniyang mga magulang at misis.

Napilitan din ang gunman na ibenta ang kaniyang mamahaling SUV dahil sa mga utang.

Muli, iginiit ng NCRPO na hindi terror attack ang nangyari sa RWM.

Emosyonal naman ang mga magulang ni Carlos nang humarap sa publiko. Humingi sila ng tawad sa mga nadamay sa pag-atake ng anak.

ADVERTISEMENT

Nag-sorry rin ang misis ng gunman. Nagtakip siya ng tuwalya sa mukha para proteksiyunan daw ang kaniyang pagkakakilanlan. Inaalala niya rin ang kapakanan ng tatlong anak nila ni Carlos. Ayon din sa babae, hiwalay na sila ng suspek.

Matagal na umanong lulong sa sugal si Carlos. Katunayan, noong Abril 3, ipina-ban na sa mga casino ang suspek. Hindi rin daw siya madalas maglaro sa RWM.

Ayon sa ama ni Jessie, wala silang alam kung saan galing ang baril na ginamit niya nang umatake sa hotel-casino.

Bago rin ang insidente, hindi pa nasangkot sa ibang krimen ang anak. Wala rin daw problema sa pag-iisip ang suspek. Tanging sugal din lang ang bisyo ng anak.

Lumantad din ang gasoline boy na pinagbilhan ng gasolina ng suspek. Ipinakita rin ng pulisya ang CCTV footage nang bumili sa isang gasolinahan sa Maynila ang suspek.

ADVERTISEMENT

Biyernes, June 2, pinasok ni Carlo ang RWM. Armado siya ng M14 assault rifle. Sa CCTV na inilabas ng NCRPO at ng hotel-casino, nakitang pinaputukan ni Carlos ang kisame ng hotel-casino at saka nanunog ng tables at slot machines.

Nasawi ang 37 dahil sa tindi ng usok na dulot ng sunog.

Kalauna’y nagsunog at nagbaril sa sarili ang gunman.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.