Paalala ng DTI: Patakarang 'no return, no exchange' bawal sa batas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paalala ng DTI: Patakarang 'no return, no exchange' bawal sa batas

Alvin Elchico,
ABS-CBN News
Published Jun 05, 2020 05:35 PM PHT
|
Updated Jun 05, 2020 10:03 PM PHT

MAYNILA — Dumarami na ang mga taong pumupunta sa mga mall nitong mga nakalipas na araw matapos isailalim sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila.

Namili ng damit si Karen Liquete sa department store nitong Biyernes pero dahil bawal magsukat, tinantiya na lang niya kung kasya ang leggings at duster na nais bilhin.

"Sana magkasya, lalo na itong leggings baka masyadong hapit o maluwag," aniya.

Sa Quezon City lang bawal ibalik ang mga nabiling damit o sapatos maliban na lang kung ito'y depektibo.
Sa Quezon City lang bawal ibalik ang mga nabiling damit o sapatos maliban na lang kung ito'y depektibo.
ADVERTISEMENT
Pero paalala ng Department of Trade and Industry (DTI), bawal sa batas ang "no return, no exchange" policy.

"Kung di kasya dahil di nga niya sinukat, dapat i-recognize 'yun ng store, hindi nga niya nasukat eh. Pero pagdating sa bahay she discovered na di kasya, dapat may mechanism na i-sanitize na lang ng store bago ibalik sa shelves," ani DTI undersecretary Ruth Castelo.

Rason ng mga department store, patakaran kasi ng Quezon City local government na bawal ibalik kung di naman defective ang produkto.

Kaya dahil dito, aapela ang DTI sa Department of the Interior and Local Government dahil karapatan ng kostumer na palitan ang produkto.