Sunog sumiklab sa Muntinlupa | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sunog sumiklab sa Muntinlupa

Sunog sumiklab sa Muntinlupa

Jekki Pascual,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 05, 2021 08:47 AM PHT

Clipboard

Inaalam pa ng awtoridad ang naging sanhi ng sunog na tumupok sa isang residential-commercial area sa Barangay Alabang sa Muntinlupa City. ABS-CBN News

MAYNILA - Isang commercial at residential area ang nasunog sa Barangay Alabang sa Muntinlupa, Sabado ng madaling araw.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nasa 6 na bahay at 4 na commercial establishment ang nasunog.

Kadikit lang ng lugar ang isang malaking mall sa Montillano Street pero dahil may fire wall, hindi ito nadamay.

Nasa 30 na pamilya ang apektado ng sunog na umabot sa ikalawang alarma.

Hindi pa tukoy ang sanhi ng sunog pero sinasabing nagmula ito sa receiving area o sa may sala ng isang bahay.

"Ang tinitingnan ng ating mga imbestigador ay tungkol sa kanilang kuryente dahil ayon sa mga nasunugan bago pa magkaroon ng sunog, nagkakaproblema na sila sa kuryente. Patay-sindi daw ang kanilang kuryente," Ayon kay Fire Insp. Gerardo Nazareno, acting chief of operations ng Muntinlupa BFP.

ADVERTISEMENT

Mabilis ding kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials o sa kahoy ang mga bahay pati mga tindahan.

Ayon sa isang nasunugan na si Frean Mendoza, nagulat na lang sila pagkagising na malaki na ang apoy. Wala na aniya siyang naisalba bukod sa maliliit na mga bagay mula sa bahay.

"Paglabas ko malaki na talaga apoy. Ang sabi 'yung wire pumutok, kaya sumabog agad. Sa daanan, hindi kami nakalabas agad, na-trap kami. Marami na-trap sa loob," sabi ni Mendoza.

Dagdag niya: "Nakalabas lang ako kasi may nakita ako tuwalya, binasa ko at tinaklob ko sa sarili ko. Sumulong ako sa apoy, diyan sa harap. Naisalba ko cellphone ko, wallet at ibang dokumento, the rest po wala."

Walang nasaktan o namatay sa sunog.

ADVERTISEMENT

Iniimbestigahan na ng BFP ang insidente na tumupok sa P500,000 na halaga ng mga ari-arian.

Paalala naman ng BFP sa publiko, laging i-check ang electrical wiring sa bahay.

"Regular na magpa-check ng ating electrical installation sa bahay. Alam niyo naman tayo mga Pilipino, dagdag tayo ng dagdag ng appliances, pero ang ating electrical connection, electrical installation, hindi naa-upgrade. Hindi natin alam nago-overloading na tayo sa electrical sa ating bahay," sabi ni Nazareno.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.