1 sugatan, 2 bahay natabunan matapos ang landslide sa Mountain Province

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

1 sugatan, 2 bahay natabunan matapos ang landslide sa Mountain Province

ABS-CBN News

Clipboard

Dalawang bahay ang natabunan ng landslide sa Bontoc, Mountain Province, Hunyo 5, 2022. Retrato mula sa Bontoc Local Government Unit
Dalawang bahay ang natabunan ng landslide sa Bontoc, Mountain Province, Hunyo 5, 2022. Retrato mula sa Bontoc Local Government Unit

Nagtamo ng sugat ang isang residente nang matabunan ng gumuhong lupa ang dalawang bahay sa Bontoc, Mountain Province nitong madaling araw ng Linggo.

Ayon kay Bontoc local government spokesperson Christy Mae Che-es, natumba ang isang puno at tumama ito sa water pipe, na siyang naging dahilan ng pagguho ng lupa bandang alas-3 ng madaling araw.

Wasak ang isang bahay habang bahagya namang naapektuhan ng landslide ang katabing bahay nito.

Tatlong tao ang naninirahan sa dalawang bahay, pero agad silang nakalikas bago matabunan ng lupa dahil lumabas na agad umano sila nang matumba ang puno.

ADVERTISEMENT

Nasugatan sa paa ang isa sa mga residente nang makaapak umano ng bote habang lumilikas.

Natapos bandang umaga ang clearing operation.

—Ulat ni Mae Cornes

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.