Mga siklista, nagsama-sama para manawagan ng paglaban sa climate change

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga siklista, nagsama-sama para manawagan ng paglaban sa climate change

Larize Lee,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 05, 2022 03:01 PM PHT

Clipboard

Sabay-sabay pumadyat mula Quezon City hanggang Marikina ngayong Hunyo 5, 2022 ang mga siklistang climate activist para ipanawagan ang paglaban sa climate change. Mark Demayo, ABS-CBN News
Sabay-sabay pumadyat mula Quezon City hanggang Marikina ngayong Hunyo 5, 2022 ang mga siklistang climate activist para ipanawagan ang paglaban sa climate change. Mark Demayo, ABS-CBN News

MAYNILA (UPDATE) — Higit 1,000 siklista ang sabay-sabay pumadyak ngayong Linggo sa Metro Manila para ipanawagan ang aksiyon laban sa epekto ng climate change.

Pagpatak ng alas-6:30 ng umaga, umarangkada ang mga siklista mula University of the Philippines campus sa Quezon City papuntang Marikina.

Kaisa nila ang 8 probinsya sa Pilipinas at 11 pang bansa sa Asya, na nagdaos ng kaparehong event na "Pedal for People and Planet." Kasama rito ang Japan, South Korea, Malaysia at Vietnam.

"Ang pinapatampok natin ay 'yong panawagan na mag-phase out na ng paggamit ng fossil fuel energy kasi ito 'yong number one sanhi ng greenhouse gas emissions na in turn ay nagke-create ng climate change," ani Lidy Nacpil, coordinator ng Asian People's Movement on Debt and Development.

ADVERTISEMENT

Isa sa mga nakilahok dito ang 14 na taong gulang na si Xian Taytay, kasama ang kaniyang pamilya.

"Ginagawa ko rin po ito para sa future namin and para sa future ng next generation ng mga bata," ani Xian.

Sa huling tala ng Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC), ang average annual global greenhouse gas emission o mga usok na galing sa mga sasakyan at pabrika ay nasa pinkamataas nang lebel sa nakalipas na dekada.

Pero maari pa umano itong mapababa sa kalahati pagdating ng taong 2030 kung ang mga bansa ay magkakaisa para i-reduce ang greenhouse gas emission.

Sa Taguig, isinara ang C5 service road para sa ginanap na safe street event na layong pahalagahan ang mga open space at ang pagkakaroon ng sustainable environment.

ADVERTISEMENT

Bukod sa advocacy talks, nagkaroon din ng libreng bike lessons, kaya dinala ng ilang mga magulang ang kanilang mga anak para matuto.

Sa Davao City, higit 100 siklista ang nakiisa sa 15-kilometer bike ride mula Freedom Park papuntang Lanang.

Bukod sa lumalalang epekto ng climate change, nais ng mga taga-Davao na bigyang pansin din ang kontrobersiyal na Tampakan mining project at minahan sa Mati City, Davao Oriental.

Panawagan nila sa gobyerno ang pag-invest ng mas maraming renewable energy sources, pagpaparami ng green spaces sa lungsod, at pagprotekta sa watersheds, heritage trees, at urban wetlands.

Ang Pedal for People and Planet, at safe street event ay kaugnay ng World Bike Day na ipinadiriwang tuwing Hunyo 3.

ADVERTISEMENT

Sa taunang pagganap, ayon sa mga organizer, mas dumarami ang mga taong nakikilahok at namumulat sa problema ng climate change, kaya inaasahan nilang mas maitataguyod nila ang kanilang adbokasiya.

— May ulat ni Hernel Tocmo

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.