Retiradong sundalo, nagsauli ng libo-libong salapi na napulot sa CDO | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Retiradong sundalo, nagsauli ng libo-libong salapi na napulot sa CDO
Joey Taguba Yecyec,
ABS-CBN News
Published Jun 06, 2018 11:25 AM PHT

CAGAYAN DE ORO CITY - Dumulog sa istasyon ng ABS-CBN Cagayan de Oro ang isang 65-taong gulang na dating sundalo Martes para iturn-over ang perang kaniyang nakita sa kalye.

Ayon kay Felipe Huesca, papunta sana siya sa opisina ng isang cable company nang makita niya ang isang pitaka na nasa daan.

Nang pinulot ni Huesca ang pitaka, nakita niya na libo-libong piso ang laman nitong pera.

Ayon kay Huesca, naisipan niyang ibalik ang pera dahil pakiramdam niya ay pagsubok sa kaniyang pagkatao ang pagbabalik ng mga bagay na hindi naman sa kaniya.

"Iniisip ko na itong pera ay mawawala din at 'yung dangal natin kailangan mapangalagaan," ani Huesca.

"Ang may ari nito sigurong namomroblema na sa ngayon at naghahanap sa pera kaya isauli natin," dagdag ng dating sundalo.