Pawnshop manager sa Aklan, natagpuang patay at pinagsasaksak umano
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pawnshop manager sa Aklan, natagpuang patay at pinagsasaksak umano
ABS-CBN News
Published Jun 07, 2022 01:15 PM PHT
|
Updated Jun 07, 2022 06:08 PM PHT

MANILA (UPDATE) — Natagpuang patay ang babaeng manager ng isang pawnshop sa Mabini Street, Kalibo, Aklan nitong Lunes ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Bonna Hercia Ambay, 23 taong gulang na residente ng Pandan, Antique.

Ayon sa pulisya ng Kalibo, natagpuan si Ambay ng mga kasamahan niya sa trabaho na duguan at nakahandusay sa loob mismo ng pinagtatrabahuhang pawnshop.

Kaagad na humingi ng tulong ang mga kasamahan nito sa mga awtoridad para masuri ang insidente.
Kaagad na humingi ng tulong ang mga kasamahan nito sa mga awtoridad para masuri ang insidente.
ADVERTISEMENT
Magbubukas na raw sana ng pawnshop ang mga katrabaho ni Ambay nang mapansin nilang nakasara ang roll-up door at naka-lock pero bahagyang nakabukas ang secondary gate nito.

Nang silipin nila ito, doon na nakita ang bangkay ng biktimang nakahandusay sa sahig.

Nakita rin nilang may mga tama ng saksak sa kamay at dibdib ni Ambay.

Sa follow-up operation ng pulisya ng Kalibo, na-recover ang isang kutsilyo na may habang 21 pulgada na pinaniniwalaang ginamit sa pananaksak kay Ambay.

Nakuha rin ang isang posas, maliit na bag, pares ng tsinelas, at isang duguang uniporme ng security guard.
Nakuha rin ang isang posas, maliit na bag, pares ng tsinelas, at isang duguang uniporme ng security guard.
ADVERTISEMENT
Napag-alamang pagmamay-ari ito ng guwardiya ng pawnshop na itinuturing na ngayong person of interest sa krimen.

Nang pumunta ang pulisya sa bahay ng security guard, nakuha nila ang service firearm nito na isang kalibre .38 na revoler. Nakabalot ito sa damit at itinago sa puno ng saging.

Hindi na makita ang security guard at live-in partner nito sa kanilang tahanan.

Ayon sa Kalibo PNP, may dati na raw mga kaso ng pagnanakaw ang security guard sa Batan, Aklan noong 2015 at sa Pasig City noong 2016.

Hustisya naman ang sigaw ng pamilya ng pinatay na dalaga.
Hustisya naman ang sigaw ng pamilya ng pinatay na dalaga.
ADVERTISEMENT
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo sa krimen matapos mawala ang cellphone ng biktima at ang pera sa alkansya nitong nagkakahalaga ng P4,000.

—Ulat ni Rolen Escaniel
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT