Pulis, PDEA at MMDA agents, dawit sa 'huli-dap' ng Chinese | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pulis, PDEA at MMDA agents, dawit sa 'huli-dap' ng Chinese

ABS-CBN News
Published Jun 08, 2018 08:08 PM PHT

Arestado ng mga awtoridad ang isang AWOL na pulis, dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent, isang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic constable, at isa pang kasamahan matapos silang idawit sa iba't ibang krimen.

Ang pinagsamang puwersa ng Quezon City Police District (QCPD) at Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang nakahuli sa apat matapos silang ireklamo ng 'huli-dap,' carnapping, at kidnapping ng dalawang Chinese.

Sa kuha kasi ng CCTV, makikitang binubuntutan ng van ng mga suspek ang sasakayan ng biktimang Chinese sa Project 8, Quezon City.

Pagdating sa isang gasolinahan ay doon na tuluyang pinababa ng mga suspek ang biktima at inilipat sa kanilang van. Makikita naman ang isa sa mga suspek na sinakyan na ang kotse ng biktima.

Nagtungo ang mga suspek sa bahay ng biktima kung saan tinangay ang dalawa pa niyang sasakyan.

"Isinakay nila sa van ang biktima at doon nag-negotiate sila at [kinikilan ng] P300,000 [ang Chinese] pati 'yung Fortuner at isa pang van [sa bahay] tangay din. Tinakot nila kunwari may kaso," ayon sa hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na si Chief Superintendent Guillermo Eleazar.

Pero dahil nagreklamo ang biktima, isa-isang naaresto ang apat na suspek na sina PO1 Mark Anthony Roque, dating PDEA intelligence agent Arnold Camayang, dating MMDA constable Alvin Roque, at isa pang kasama na si Christian Talaue.

Nabatid din na pangalawang beses na palang tinarget ng mga suspek ang biktima.

Ang unang gray van din na gamit nila, nakaw lang din mula sa isang biktima pa nilang Chinese.
Ang unang gray van din na gamit nila, nakaw lang din mula sa isang biktima pa nilang Chinese.
ADVERTISEMENT
"Maaaring gagamitin nila sa kasamaan na naman ang mga sasakyan o kaya ibebenta. Aalamin natin kung may connection sila sa LTO," ayon kay Chief Superintendent Roberto Fajardo, hepe ng PNP-HPG .

Nananawagan naman si PNP chief Director General Oscar Albayalde na lumapit sa kanila ang iba pang biktima ng mga suspek.

"Nananawagan tayo sa iba pang biktima ng mga AWOL na ito. Malamang marami ito lalo na ang mga foreigner. Mag-report po kayo sa amin."

--Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT