Binatilyong nagdarasal, bulagta sa tama ng baril sa ulo
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Binatilyong nagdarasal, bulagta sa tama ng baril sa ulo
Chiara Zambrano,
ABS-CBN News
Published Jun 09, 2017 06:48 PM PHT
|
Updated Jun 10, 2017 12:12 AM PHT

Isang araw matapos ipahayag ng Armed Forces of the Philippines na kontrolado na nila ang digmaan sa Marawi, tumindi ang bakbakan at lumapit pa ang labanan sa kapitolyo at sa 103rd brigade.

Bukod sa mga sundalong namatay, tinamaan din sa ulo ang isang bata habang nagdarasal sa loob ng masjid.

Malayo na sa gitna ng warzone ang mga lugar na naiikutan ng media sa ngayon. Pero kanina, lumapit na naman ang mga palitan ng putok.

May mga balang tumatama sa mga puno ng 103rd brigade.
May mga balang tumatama sa mga puno ng 103rd brigade.
ADVERTISEMENT
Isang sundalo na naman ang tinamaan ng bala habang nasa loob ng kampo.

Sa lapit ng mga air strike, lumalangitngit ang mga yero sa paligid kapag bumabagsak ang mga bomba.

Sa kalsada sa paligid ng 103rd brigade, nagtakbuhan ang mga Army, kanya-kanya ring sipat ang Marines kung saan nanggagaling ang mga putok.
Maya-maya pa ay naglabasan na ang mga nagmamadaling ambulansiya mula sa loob ng war zone. May mga truck na may lamang mga sugatan sa likod. Tatlong sundalo ang namatay sa araw lang na ito. Labindalawang sundalo ang sugatan sa muling uminit na bakbakan.

Habang nagpaparoo't parito ang mga sundalo, tahimik na tinawag ng mga residente ang media. Sabi nila, silipin ang masjid.

Sa loob ay nakahiga sa carpet ang isang batang wala nang buhay at may tama ng bala sa ulo.
Sa loob ay nakahiga sa carpet ang isang batang wala nang buhay at may tama ng bala sa ulo.
ADVERTISEMENT
Si Abdillah, 15, ay tinamaan ng bala nitong Biyernes ng tanghali, oras ng dasal, nang tumagos ang isang bala sa pader ng masjid.

Sabi ni Ali Saber, isang kapitbahay, katabi niya ang bata at nakikinig sila ng sermon nang bigla na lang itong bumagsak.

Grade 6 na si Abdillah. Ang pamilya niya ay galing sa Butig. Lumisan sila para matakasan ang gulo roon.

Habang lumuluha ang mga kaibigan at kamag-anak niya sa loob ng masjid, tuloy ang pagsabog at mga sunog sa ibaba. Ang ibang mga kapitbahay ni Abdillah, nanghihingi na ng tulong na makalabas ng siyudad.

Ayaw pang magbigay ng pahayag ng AFP kung bakit umaabot na naman ang putukan sa sinasabi nilang lugar na "cleared" na ng pamahalaan.

Samantala naghukay na lang sa ibang lugar ang mga kapitbahay ni Abdillah. Sinikap nilang mabigyan ng maayos na libing ang batang namatay habang nagdarasal kay Allah.

5 salisi sa Marawi war zone, hinuli
Arestado naman ang limang magnanakaw na sumalisi matapos ang clearing operation ng mga awtoridad sa Marawi City.

Natimbog ang limang suspek sa mismong war zone ng bayan ng Dansalan, ayon kay Senior Superintendent Marlon Tayaba, ang batallion commander ng regional public safety battalion ng Autonomous Region in Muslim Mindanao-Philippine National Police.

Sa kabuuan, 15 magnanakaw na ang nahuli sa mga checkpoint na inilatag ng mga awtoridad.

Ililipat naman ang mga suspek sa pangangalaga ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group para sa kaukulang imbestigasyon.

Target: 'Liberation Marawi'
Ipinahayag naman ng militar na nakatakdang iwagayway ang bandila ng Pilipinas sa lahat ng bahagi ng Marawi City pagsapit ng Lunes, Hunyo 12, Independence Day, dahil inaasahan na ang pagpapalaya ng Marawi mula sa kamay ng mga teroristang grupo.

“The Chief of Staff [General Eduardo Año] made an announcement na hoping that by Monday, we can freely wave our flags in every corner of Marawi. And we’re working feverishly to do that to ensure we are able to do, to a big extent, what was announced by the Chief of Staff,” ani Padilla.

Patuloy pa rin ang opensiba upang makamit ang inaasam na kalayaan, lalo pa't hawak pa rin umano ng mga teroristang grupo ang tatlong barangay sa Marawi, ayon kay Armed Forces of the Philippine spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla.

May mga indikasyon ding nagpapakita na humihina na ang kalaban, sabi ni Padilla. Sa ngayon, umabot na sa 138 miyembro ng Maute ang napapatay sa bakbakan.

Sa pagtatapos umano ng krisis, sunod na pagtutuunan ng pansin ang muling pagbangon ng Marawi.
Sa pagtatapos umano ng krisis, sunod na pagtutuunan ng pansin ang muling pagbangon ng Marawi.
ADVERTISEMENT
Siniguro ng gobyerno na bukod sa reconstruction ng mga nasira ng giyera, magkakaroon din ng trauma counselling ang mga residente ng Marawi bilang unang hakbang tungo sa pagbangon.

Pagbangon ng Marawi
Ngayong malapit na umanong magtapos ang krisis sa Marawi, ayon sa mga awtoridad, sunod na pagtutuunan ng pansin ang muling pagbangon ng lungsod.

Kaya naman nagdesisyon na ang Philippine Charity Sweepstakes Office na sagutin ang pagpapa-ospital ng mga nabiktima ng bakbakan sa Marawi.

Ito ay upang mapagaan ang paghihirap ng mga 'bakwit' na nasugatan o nagkasakit dahil sa engkuwentro ng militar at grupong Maute.

Para mas mabilis na maproseso ang pagtulong sa mga biktima, ididiretso na ang lahat ng mga request for assistance sa tanggapan ng general manager na si Alexander Balutan.

Nasa P5 milyong halaga ng bottled water at gamot naman ang dagdag na tulong na nais ding ihatid ng PCSO.

Humingi na rin ng tulong sa mga dating kasamahan sa Marines si Balutan para makapaghatid ng tubig at gamot sa mga 'bakwit' galing Marawi.

Samantala, tututukan naman ng Department of Environment and Natural Resources ang mga nasirang pasilidad sa Marawi.

Ipadadala ng DENR sa Marawi ang mga trosong nakumpiska ng kanilang tanggapan para magamit sa muling pagbangon ng lungsod, ayon kay Sec. Roy Cimatu.

-- Ulat nina Henry Atuelan, Pia Gutierrez, Raphael Bosano, at Jorge Cariño, ABS-CBN News
Read More:
Marawi
marawi clash
marawiclash
patrolph
tagalog news
tv patrol
tv patrol top
masjid
Independence Day
Araw ng Kalayaan
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT