Mga estudyante, nagsisikap sa pag-aaral sa kabila ng kapansanan
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga estudyante, nagsisikap sa pag-aaral sa kabila ng kapansanan
Jose Carretero,
ABS-CBN News
Published Jun 09, 2017 10:57 AM PHT

Pinatunayan ng ilang estudyante sa Legazpi City na hindi hadlang ang kanilang kapansanan para magpursige sa pag-aaral.

Kalahating oras umaakyat at bumababa ng bundok ang 20-anyos na si Adam Andes para mag-aral sa Banquerohan Elementary School Special Education Center.

Sa kabila ng kapansanan, pursigido siyang makatapos ng pag-aaral.

Sabi ni Andes, masaya siya na nag-aaral.
Sabi ni Andes, masaya siya na nag-aaral.
ADVERTISEMENT
May cerebral palsy naman ang 22-anyos niyang kaklaseng si Ruben Arevalo.

Hirap siyang pumasok sa eskwela lalo na kapag umuulan. Pero katuwang niya ang kanyang inang nagtitiyaga para mabigyan siya ng edukasyon.

Sabi ni Arevalo, gusto niyang makapagtrabaho.

Kasama nila sa SPED Center ang iba pang special students na nais matutong magbasa at magsulat.

Napahanga ang mga guro sa kanilang dedikasyon.
Napahanga ang mga guro sa kanilang dedikasyon.
ADVERTISEMENT
Masaya rin ang SPED dahil mahigit 70 na ang kanilang estudyante.

Pero may ilang estudyanteng hindi natatapos ang pag-aaral dahil sa kawalan ng pamasahe lalo na 'yung mga nakatira sa mga liblib na lugar.

Kaya balak mag-fun run ng mga guro para makalikom ng pondo para sa kanilang pamasahe.

Umaapila rin sila ng tulong para sa mga special children na determinadong matuto.