Pautang na aabot sa P500,000 alok ng DTI sa maliliit na negosyong sapul ng pandemic | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pautang na aabot sa P500,000 alok ng DTI sa maliliit na negosyong sapul ng pandemic

Pautang na aabot sa P500,000 alok ng DTI sa maliliit na negosyong sapul ng pandemic

ABS-CBN News

Clipboard


MAYNILA — Isang kompanya sa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI) ang nag-aalok ng pautang sa mga micro at small enterprises o maliliit na negosyong sapul ng mga epekto ng pandemyang COVID-19.

Hatid ang COVID-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES) ng Small Business Corp. ng DTI.

Ang mga negosyong aabot sa P3 milyon ang halaga ng asset ay maaaring makahiram ng P200,000 pang-alalay habang ang mga may asset naman na hanggang P15 milyon ay maaaring makautang ng hanggang P500,000, ayon kay Ma. Luna Cacanando, CEO at president ng kompanya.

"Nagcha-charge po kami ng interest rate na 6 to 8 percent pero interest-free po for the entire 30 months tapos meron pang grace period na 6 months 'yun," aniya.

ADVERTISEMENT

Para maging kwalipikado, kailangan lang aniyang isang taon nang tumatakbo ang negosyo bago ang enhanced community quarantine at valid ang business registration hanggang Marso 15, 2020.

Sa mga interesado, magpunta lang sa website ng korporasyon na sbgfc.org.ph o tumawag sa kanilang hotline na 86-51-33-33.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.