9 na mga bahay napinsala sa pagguho ng lupa sa Isabela
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
9 na mga bahay napinsala sa pagguho ng lupa sa Isabela
ABS-CBN News
Published Jun 09, 2021 05:22 PM PHT

Siyam na mga bahay ang napinsala sa naganap na pagguho ng lupa sa Sitio Barikir sa Barangay Yeban Norte sa Benito Soliven, Isabela, Miyerkoles ng madaling araw.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, wala namang nasaktan sa mga residente.

Apektado ang abot sa 9 na pamilya o 31 indibidwal na ngayon ay namamalagi muna sa evacuation center.
Puspusan din ang isinasagawang clearing operation ng lokal na pamahalaan para matulungan ang mga residente na maisalba ang kanilang mga ari-arian na natabunan ng lupa.

Hindi naman daw umulan bago ang insidente kung kaya inaalam pa ang dahilan ng pagguho. Pero kabilang ang lugar sa mga itinuturing na landslide prone area.

- Ulat ni Harris Julio
- Ulat ni Harris Julio
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT