Mga guro umangal sa dagdag-sahod sa taong ito
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga guro umangal sa dagdag-sahod sa taong ito
ABS-CBN News
Published Jun 10, 2019 07:46 PM PHT

Lumipat sa pampublikong paaralan mula pribadong eskuwelahan ang gurong si Javier Batallones dahil sa sahod.

Mula P10,000 kada buwan, sumasahod na siya ngayon ng higit P20,000 bilang Teacher 1 pero kulang pa rin daw ito.

"Para sumuporta sa isang pamilya, kulang pa rin," ani Batallones.

Inirereklamo ng Alliance of Concerned Teachers (ACT-Teachers) ang umano ay kakarampot na dagdag-sahod ng mga guro ngayong school year.

Ang Teacher 1 na may Salary Grade 11, halimbawa, ay magkakaroon ng P575 umento. Katumbas ito ng sahod na P20,754 ngayong taon mula P20,179 noong 2018.

Ayon sa ACT-Teachers, hindi kasya ang higit P500 umento sa gastusin ng mga guro kada buwan.

Marami pa raw sa mga guro ay abonado pa dahil sariling pera ang ginagamit sa pagbili ng mga kakailanganin sa pagtuturo.

Pero ayon sa Department of Education (DepEd), 2 dekada nang tuloy-tuloy ang pagtaas ng sahod ng mga guro.

Noong 2000, P9,466 lamang ang sahod ng Teacher 1.
Noong 2000, P9,466 lamang ang sahod ng Teacher 1.
ADVERTISEMENT
May natatanggap din daw na iba pang benepisyo ang mga guro gaya ng midyear at year-end bonus.

"Kung dadagdag natin 'yong other compensation and benefits, isu-suma tutal natin 'yan, aabot po 'yan monthly, magiging P30,873," ani Education Undersecretary Jesus Mateo.

Hindi naman tutol ang DepEd sa mungkahing P10,000 umento sa sahod sa mga guro pero depende pa rin daw sa pag-aaral ng Department of Budget and Management kung magkano ang umento at kung kaya itong tustusan ng gobyerno.

Nilinaw ng DepEd na ang income ng kalihim ay base sa salary and allowance standard ng lahat ng Cabinet members na naaayon sa kautusan ng kagawaran at Salary Standardization Law. --Ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
edukasyon
sahod
guro
Department of Education
umento
Alliance of Concerned Teachers
TV Patrol
Apples Jalandoni
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT