Libreng training para sa mga umuwing OFW alok ng DOST | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Libreng training para sa mga umuwing OFW alok ng DOST
ABS-CBN News
Published Jun 11, 2020 02:37 PM PHT
|
Updated Jun 11, 2020 06:29 PM PHT

MAYNILA — Napilitang bumalik sa Pilipinas si Ruel Bermudez matapos ang 9 na buwang pagtatrabaho sa Cambodia bilang information technology (IT) solutions specialist.

"We were laid off and I asked to be repatriated back here sa Pilipinas," ani Bermudez, na gusto sanang makapagtayo ng sariling negosyo.

Inilunsad ng Department of Science and Technology (DOST) ang "Innovations for Filipinos Working Distantly from the Philippines," isang programa na layong matulungan ang mga umuwing overseas Filipino worker (OFW), tulad ni Bermudez, na makapagsimula ng technology-based enterprise.

May libreng training na gagawin ang ahensiya sa pamamagitan ng webinars, na tatagal nang 3 hanggang 4 na buwan.
May libreng training na gagawin ang ahensiya sa pamamagitan ng webinars, na tatagal nang 3 hanggang 4 na buwan.
ADVERTISEMENT
Tutulong din sa programa ang ilang entrepreneur na natulungan ng DOST para naman ibahagi ang kanilang kaalaman.

Bibigyan din ang mga umuwing OFW ng puhunan para makabili ng mga kagamitan at equipment.

Maraming pagpipiliang negosyo, depende sa technical o professional expertise ng mga nais lumahok sa programa. Kasama rito ang food processing, woodwork, metal work, electronics, at iba pa.

"Tuturuan natin sila noong mga 'yon. 'Yong basic business knowledge, 'yong mga tungkol sa finance, tungkol sa mga legal requirement, taxation, mga legal documents," ani DOST-National Capital Region director Jose Pantalinjug III.

Balak sana ni Bermudez na buhaying muli ang maliit nilang IT solutions company sa gabay ng DOST.
Balak sana ni Bermudez na buhaying muli ang maliit nilang IT solutions company sa gabay ng DOST.
ADVERTISEMENT
"We need someone or an organization na makatulong sa amin na makapag-move forward, maka-establish at magkaroon ng koneksiyon sa negosyo," ani Bermudez.

"Kasi pag-uwi namin dito kailangan 'yong hindi na kami dapat umasa sa mga trabaho pa or employer," dagdag niya.

Para sa mga nais mag-apply sa programa, maaaring mag-message sa Facebook page ng DOST-NCR o mag-email sa ifwdph@ncr.dost.gov.ph. -- Ulat ni Bettina Magsaysay, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Department of Science and Technology
OFW
returning OFW
skills training
Innovations for Filipinos Working Distantly from the Philippines
negosyo
hanapbuhay
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT