Pulis sinagip ang bata sa pagkalunod sa Ilocos Sur
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pulis sinagip ang bata sa pagkalunod sa Ilocos Sur
ABS-CBN News
Published Jun 11, 2021 10:56 PM PHT

SANTA - Isang pulis ang nagpakita ng kabayanihan sa bayan ng Santa, Ilocos Sur matapos nitong sagipin ang buhay ng isang bata mula sa pagkalunod.

Sa video na kuha ni Mark Donato, makikitang binibigyan ni Police Master Sgt. Gilbert Andulay ng CPR ang 4 taong gulang na babae hanggang ito ay nagkamalay.

Muntik nang malunod ang bata sa Barangay Magsaysay sa naturang bayan noong tanghali ng Mayo 30.

Kwento ni Andulay, na naka-off duty nang mangyari ang insidente, pinuntahan niya ang kanyang kaibigang mangingisda na nakatira malapit sa dagat pagkatapos niyang mag-jogging pero may lumapit sa kanya para magpatulong sagipin ang isang nalulunod na bata.

Pagkatapos magkamalay ng bata ay itinakbo ito sa ospital.

Taga-Barangay Camarao sa bayan ng Narvacan, Ilocos Sur ang bata.

Labis ang pasasamalat ng ama ng bata sa ginawang pagsagip ng pulis sa buhay ng kanyang anak.
Maraming netizens ang humanga sa ginawang kabayanihan ni Andulay, at umani ang video sa Facebook ng libu-libong views at daan-daang positibong reaksyon na pinapakita ang pagsagip niya sa bata.

Tubong bayan ng Tubo sa Abra si Andulay na kasapi ng 103rd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 1.

Kasalukuyang naka-assign si Andulay sa Narvacan, Ilocos Sur-Abra Boundary Quarantine Control Checkpoint.

Sabi ni Andulay, napakalaking bagay ang mga natutunan niya sa kanilang mga training tungkol sa CPR.

Payo niya sa mga kapwa pulis na gampanang mabuti ang kanilang trabaho.

- Ulat ni Grace Alba
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT