Ginang patay sa 'higit 100 saksak' sa niloobang bahay
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ginang patay sa 'higit 100 saksak' sa niloobang bahay
ABS-CBN News
Published Jun 13, 2019 06:16 PM PHT
|
Updated Jun 13, 2019 07:51 PM PHT

Patay ang isang ginang sa Parañaque City matapos pagsasaksakin ng mga hinihinalang akyat-bahay.

Tadtad ng saksak at wala nang buhay si Cristina Torres, 29, nang matagpuan ng kaniyang mister na si Noel Torres pag-uwi nito sa kanilang bahay sa Multinational Village noong Martes.

Dinistrungka ng mga salarin ang vault subalit wala silang nakuha dahil wala itong lamang pera. Pawang mga importanteng dokumento lamang ang laman nito.

Naniniwala ang pamilya ng biktima na hindi iisang tao ang may gawa sa krimen lalo't mahigit 100 tama ng saksak ang tinamo ni Cristina.

Nag-iisa lamang ang biktima sa bahay nang pasukin ng mga magnanakaw.

"Sinong may kagagawan nito? Pagtingin ko sa kabilang kwarto sa guest room namin, kita ko yung bakas nga dugo. Kita ko nakabulagta 'yung asawa ko, naliligo ng dugo."

Hustisya ang sigaw ngayon ng pamilya ni Cristina.

Walang CCTV sa lugar at maging sa bahay ng biktima na makatutulong sana sa imbestigasyon. Gayumpaman, may persons of interest na ang Parañaque police sa posibleng gumawa ng krimen. —Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News