Grade 7 student, kabilang sa mga arestado sa drug session

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Grade 7 student, kabilang sa mga arestado sa drug session

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Arestado ang isang estudyanteng grade 7 at tatlo niyang kasamahan matapos makuhanan ng video habang gumagamit ng droga sa Meycauayan, Bulacan.

Nasapul sa surveillance video ang drug session ng grupo ng mga lalaki kasama ang menor de edad sa isang drug den nitong madaling araw ng Miyerkoles.

Nasa drugs watch list umano ang grade 7 student na kasama sa mga nahuling bumabatak ng shabu.

Tatlong beses minanmanan ng mga pulis ang lugar bago sila hinuli.

ADVERTISEMENT

Kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act ang mga nahuli habang ite-turn over sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang menor de edad.

Sa Pasay City naman, nakuhanan din ng video ang paggamit ng droga ng isang lalaki habang nasa loob ng isang pampublikong palikuran sa isang gasolinahan.

Kahit palapit na nang palapit ang lalaki na kumukuha ng video, hindi pa rin siya natinag.

"Hindi ako pinagbigyan mag-CR e, di sana ako mahuhuli no'n... hindi naman sana ako pupuwesto doon, kung baga nabigla lang ako," depensa pa ng inarestong lalaki.

Nakumpiska sa kaniya ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Kakasuhan siya ng paglabag sa RA 9165.

-- Ulat nina Jeck Batallones at Oman Bañez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.