Bayan sa Southern Leyte nagdeklara ng dengue outbreak | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bayan sa Southern Leyte nagdeklara ng dengue outbreak

Bayan sa Southern Leyte nagdeklara ng dengue outbreak

Ranulfo Docdocan,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 23, 2022 12:07 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

(UPDATE) Nagdeklara ng dengue outbreak ang lokal na pamahalaan ng Saint Bernard, Southern Leyte.

Umabot na sa 207 ang kaso ng dengue sa nasabing bayan simula Enero hanggang ngayong ikatlong linggo ng Hunyo. Wala pang naiuulat na namatay sa lugar dahil sa nasabing sakit.

Ang deklarasyon ay base sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Ayon kay Patrick Magallano, sanitation inspector ng Saint Bernard, nasa 26 mula sa 30 na barangay ng bayan ang may kaso ng dengue.

ADVERTISEMENT

"Scattered ang cases ng dengue," aniya sa panayam sa TeleRadyo Huwebes.

"Isa sa mga tinitingnang factors ay damage ng bagyo. Maraming bahay na nasisira tapos 'yung mga tao hindi pa maka-focus dun sa paglilinis," sabi ni Magallano.

Tuloy-tuloy naman ang isinasagawang fogging operations sa mga barangay na mayroong clustering ng mga kaso ng sakit gaya sa Barangay Guinsaugon, San Isidro, Mahayahay, Catmon, Carnaga, at Himatagon.

Patuloy na pinapayuhan ang mga residente na magsagawa ng clean-up drive para puksain ang mga lugar na posibleng pagbahayan ng mga lamok.

Pinayuhan rin ang mga residenteng makararanas ng pabalik-balik na lagnat na agad magpakonsulta sa doktor.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.