Ilang Pinoy kamot-ulo sa urong-sulong na polisiya sa face shield

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang Pinoy kamot-ulo sa urong-sulong na polisiya sa face shield

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Nagbago na naman ang isip ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng polisiya sa pagsusuot ng face shield.

Maaalalang noong Hunyo 17, inanunsiyo ni Senate President Tito Sotto na aprub si Duterte na sa ospital na lang isuot ang face shield. Kinabukasan, kinumpirma ito ng Palasyo.

Pero ang anti-COVID-19 task force na IATF, pumalag at sinabing iaapela ito sa Pangulo.

Kalaunan, nagdesisyon ang Pangulo na hindi na ipasuot ang face shield sa lansangan, pero dapat itong isuot sa indoor areas tulad ng malls.

ADVERTISEMENT

Pero kinagabihan ng Lunes, binulabog muli ang publiko ng anunsiyong balik sa dati ang polisiya at minamandato muli ang face shield sa lahat ng pagkakataon sa labas ng bahay.

Ayon kay Duterte, dahil ito sa banta ng kumakalat na Delta variant ng COVID-19.

"Alam mo kasi when I mentioned about the face shield, I was only shooting the breeze with the congressmen, the members of Congress who were there. I never said with finality that we will do away with the face shield," ani Duterte.

Humingi ng paumanhin ang Pangulo sa pagbawi sa naunang desisyon.

"I’m constrained really to go back to the old practice because of this danger posed by the Delta variant... It is really to prevent a disaster of our nation," dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Dismayado ang ilan sa naging desisyon ni Duterte.

"Dapat kung ano 'yung unang sinabi niya, dapat 'yun na lang din para maalis naman gastos ng mga Pilipino sa face shield na yan," sabi ni Ytang, may-ari ng karinderya.

"Sa totoo lang sagabal lang 'yung face shield eh. Face mask ok na eh. Parang napapansin ko baka negosyo lang ng iba eh," ani Irene Natividad, isang tindera.

"Istorbo eh, lalo na naglalakad ka, malakas hangin, tumalsik si face shield, hahabol-habulin mo pa," ani Lourdes Obias, tindera ng mami.

Nauna nang binatikos ng ilang senador at alkalde ang face shield dahil wala umano pruweba na malaki ang epekto nito kontra pagkalat ng COVID-19.


—Ulat ni Ina Reformina, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.