Bongbong Marcos nanumpa na bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bongbong Marcos nanumpa na bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 30, 2022 07:48 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA (UPDATE) - Nanumpa na bilang ika-17 pangulo ng Republika ng Pilipinas si Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ngayong Huwebes.

Ito rin ang hudyat ng pagbabalik ng kaniyang pamilya sa Malacañang matapos patalsikin ang kaniyang amang si yumaong Pangulong Ferdinand Marcos Sr. noong 1986 sa pamamagitan ng People Power Revolution.

Sa kaniyang talumpati, ipinunto niya ang mensahe ng pagkakaisa, na siya ring pangunahing plataporma noong nangangampanya pa sila ng runningmate na si Sara Duterte.

"This is a historic moment for us all... By your vote, you rejected the politics of division. I offended none of my rivals in this campaign. I listened instead to what they were saying. Pinakinggan ko ang tinig ninyo na ang sinisigaw ay 'pagkakaisa, pagkakaisa, pagkakaisa'," ani Marcos sa kaniyang inauguration speech sa National Museum sa Maynila.

ADVERTISEMENT

Humakot ng 31 milyong boto si Marcos noong May 9 elections. Dahil dito, siya ang naging kauna-unahang majority president ng bansa mula 1986, nang mangyari ang pag-aalsa laban sa kaniyang ama.

Sinaksihan ng kaniyang asawang si Liza Araneta, kanilang mga anak, at inang si dating First Lady Imelda Marcos ang kaniyang panunumpa.

Naroon din ang dating mga Pangulong Joseph "Erap" Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinabayan naman ito ng ilang kilos-protesta na dumadaing sa pagbabalik ng mga Marcos sa Malacañang, sa pangambang maulit ang mga karahasang naranasan noong Batas Militar na ipinatupad ni Marcos Sr.

Nauna nang nanumpa si Duterte bilang ika-15 pangulo ng Pilipinas sa Davao City noong ika-19 ng Hunyo na dinaluhan ng kaniyang pamilya, kabilang ang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte, at maging ni Marcos at pamilya rin nito.

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.