Tamang paglangoy, nagbibigay kumpiyansa sa mga OFW sa Hong Kong
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tamang paglangoy, nagbibigay kumpiyansa sa mga OFW sa Hong Kong
Jefferson Mendoza | TFC News Hong Kong
Published Jun 30, 2022 07:02 PM PHT

HONG KONG -- Sumasabak ang ilang manggagawang Pinoy sa Hong Kong sa libreng swimming lessons ng isang non-government organization. Hindi lang ito dagdag kaalaman para sa kanila, nakatutulong din ito para tumaas ang kanilang kumpiyansa sa sarili.

Isa si Queen Jonalyn Amac sa mga lumahok sa libreng swimming lessons ng isang non-government organization para sa mga domestic worker. Sa loob ng halos isang oras na pagsasanay kada session, itinuturo ang basic swimming, diving, floating at iba pang teknik sa paglangoy.

Siyam na taon nang nagtatrabaho si Queen sa Hong Kong bilang domestic helper. Marami na siyang natutunan para pagbutihin ang kanyang trabaho kahit na malayo siya sa kanyang pamilya. Hindi niya akalaing dito pa siya sa Hong Kong matututong lumangoy.

“...iba-ibang steps kung papano ka dapat tumapak o pumasok sa swimming pool, kung papano ka lumabas at iba-ibang steps na dapat mong gamitin sa paglangoy. At napakaimportante ko pong natututunan dito na ang paglangoy ay hindi mahirap gawin, ito ay kailangan lang ng masinsin ng pag-aaral paraka matuto, hindi dapat ka katakutan,” pahayag ni Queen.

Para sa adult program manager ng foundation, makatutulong magkaroon ng kumpiyansa sa sarili ang indibidwal kung matututo siyang lumangoy.

“So our program is really based on our layering of skills making sure that they’re comfortable in the water and having that sense of water familiarization as well as basic propulsion so it’s not going to be your normal swim school-style teaching method but we’re really teaching them safety skills,” sabi ni Adult Program Manager Katherine Nguyen.

Gaya ni Queen, hindi rin marunong lumangoy noon si Cynthia Tarantella. Nagtiyaga siyang matuto at ngayon, isa na rin siyang swimming coach.

“A lot of windows opened for me. not just doors. So we tried to swim, race in the ocean open water. And then they call for swim coach training. We have to have to undergo interviews, show our skills...and how to explain, how to guide them and make them more comfortable and how to learn how to swim safely,” sabi ni Cynthia, isang OFW swimming coach.

Walang pinipiling edad ang pagkatuto ng mga bagong kaalaman na makatutulong para sa sariling pag-unlad at kailangan lang ng tiyaga, tiwala at determinasyon.

Para sa iba pang ulat patungkol sa mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo, panoorin at tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT