Mga guro, estudyante, naglilipatan sa mga public school
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga guro, estudyante, naglilipatan sa mga public school
ABS-CBN News
Published Jul 03, 2018 05:55 PM PHT
|
Updated May 12, 2019 02:25 PM PHT

Umaaray ngayon ang private schools sa pagkalagas umano mula sa kanilang hanay ng mga teacher at estudyante dahil nagsisilipatan ang mga ito sa pampublikong paaralan.

Isa ang dating private school English teacher na si Aphrodite Sotoza sa maraming guro na lumipat na ng public school dahil sa sahod at iba pang benepisyo.

Dalawang pribadong paaralan ang pinagsisilbihan noon ni Sotoza at aminado siyang mahirap ang buhay niya noon.

"Sa sahod ko sa private, napakababa. Ang sahod sa akin P10,000 kada month. Mag-isa lang ako at di pa ako nag-aabot sa magulang ha, pero hindi pa siya kasya sa akin. [Tapos] ang schedule napakahaba, more than 8 hours," hinaing ni Sotoza.

Kaya nitong 2018, napilitan siyang mangibang eskuwelahan at magturo na sa isang public school dahil hindi lang doble ang suweldo kung hindi marami pang benepisyo.

"Sa public (school), once na na-in ka na, for life na...Maraming puwedeng matanggap na benefits," saad ng guro.

UMAARAY NA
Kaya ngayon, ramdam na ng mga private school -- lalo na iyung mga small at medium sized -- ang epekto ng pagkalagas ng kanilang mga teacher.

Sa tala ng Department of Education (DepEd), 374 na mga pribadong paaralan na ang nagsara sa loob ng tatlong taon at pinakamarami rito ay nasa Region 3, o Central Luzon.

Kaya ang panawagan ng grupo ng mga private school, tigilan na ang "pamimirata" ng kanilang guro.
Kaya ang panawagan ng grupo ng mga private school, tigilan na ang "pamimirata" ng kanilang guro.
ADVERTISEMENT
"Sinasabi natin sa public schools [na] please stop pirating our teachers," ayon kay Noli Chua, presidente ng Muntinlupa Association of Private School Administrators (APSA).

"What happens now? Private schools will just become a training ground for teachers for the public school...Tatlong taon naming ite-train, marurunong na sila, magagaling na sila [tapos] iiwanan na kami," hinaing pa ni Chua.

Bukod pa sa exodus ng mga guro nila, bumaba rin ang bilang ng mga nag-enroll sa elementarya ng private schools sa 3,851,038 mula sa 4,065,515 noong nakaraang school year.

Upang di sila mawalan ng teachers, nanawagan ang APSA na tulungan sila ng gobyerno.

Ilan sa mga hiling nila ay i-subsidize ang kanilang suweldo at hayaang makapagturo ang mga hindi pa pumapasa ng Licensure Exam for Teachers (LET) dahil hindi na umano nila kayang pasuweldohan ang mga lisensiyadong guro.

Ayon naman sa grupo ng mga guro, dapat tapatan ng mga private school ang suweldo ng mga nasa public school.

"Kung gusto ng private schools na maging competitive, dapat i-reward din nila, i-compensate nila...Kaysa na sila ay magmukmok at magalit, i-raise nila ang standard ng compensation at job security sa level ng gobyerno. That's the price kung gusto nating magnegosyo," ani Benjo Basas ng Teachers Dignity Coalition.

Para sa DepEd, maaaring epekto raw ito ng "gumagandang kalidad" ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan.

Sa ngayon, pinag-aaralan na ng DepEd ang pagbuo ng isang "Bureau of Private Education" na tututok sa kalagayan ng mga pribadong paaralan. --Ulat ni Jasmin Romero, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPh
Tagalog news
TV Patrol
edukasyon
private school
teachers
public school
education
Licensure Exam for Teachers
LET
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT