Daing ng DENR: 2,000 trak ng basura, nahahakot sa bansa kada araw | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Daing ng DENR: 2,000 trak ng basura, nahahakot sa bansa kada araw
ABS-CBN News
Published Jul 04, 2018 08:40 PM PHT
|
Updated Apr 24, 2019 03:40 PM PHT

Aminado ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na humaharap ang Pilipinas ngayon sa problema sa mga basura.
Ayon sa datos ng ahensiya, sa isang araw lamang nasa 2,000 trak na may capacity load na 20 tonelada ang nahahakot sa buong bansa. Ang 450 dito, nahahakot sa Metro Manila.

Sa tantiya nila, humigit kumulang 40,000 tonelada ng basura ang nakokolekta sa bansa sa isang buong araw lamang.

"Sa 42,000 barangays sa buong bansa, 70 percent ay wala pang material recovery facility. Kaya ang nangyayari, sa mga ilog at daluyan ng tubig itinatapon ang basura," hinaing ni Eligio Ildefonso, director ng DENR Solid Waste Management unit.

Bagama't may kaniya-kaniyang ordinansa ang mga lungsod pagdating sa waste management, para sa grupong Greenpeace ay higit pa rito ang kailangan para tuluyang masolusyonan ang lumalalang problema sa basura.

"Major cause nito is lack of political will to implement the ordinances," ani Vince Cinches ng Greenpeace.

Dagdag ng grupo, hindi lang simpleng dengue, malaria, at leptospirosis ang puwedeng makuhang sakit dahil sa maruming estero at dagat.

"Iyong mga basura na 'yan they come back to us in the form of the food we eat. The fish eat and absorb the trash and we eat it," babala ni Cinches.

'WALANG PAKUNDANGAN'
Isa sa pinakahuling halimbawa na nakita ng ABS-CBN News ay ang sitwasyon sa open channel sa Pasay City kung saan imbes na tubig ang maaaninag ay sandamakmak na basura na ang nakatambak dito.

Dahil wala nang lagusan, naipon na lang ang mga ito sa dulo at nag-aantay na mahakot.
Ang isang lalaki, walang pakundangan na naghubad at basta na lang dumumi sa tubig habang ilang metro lang mula sa kaniya ay may naliligong isa pang lalaki.

Sa dami ng halo-halong dumi at basura sa Metro Manila, lalong tumataas ang posibilidad na makakuha ng sakit.

Kaya naman sa kabilang bahagi ng open channel sa Parañaque ay nilusong na ng mga tauhan ng City Environment & Natural Resources Office (CENRO) ang tubig kahit pa delikado.

Karamihan sa mga nahahakot ay mga bulok na water lily pero may halo na rin itong plastik, styro, at iba pang uri ng basura.

Pero ayon sa Greenpeace, higit sa pagsasaway ay mas kailangan daw ng publiko ngayon ang matinding pagpapaunawa sa masamang epekto ng labis at walang habas na pagtatpon ng basura. —Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPh
Tagalog news
TV Patrol
basura
Metro Manila
DENR
CENRO
City Environment & Natural Resources Office
Department of Environment and Natural Resources
waste management
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT