Dating BFAR director itinangging kasabwat sa agri smuggling
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dating BFAR director itinangging kasabwat sa agri smuggling
Lady Vicencio,
ABS-CBN News
Published Jul 08, 2022 06:13 PM PHT

Mariing itinanggi ni dating Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) director Eduardo Gongona na may kinalaman siya sa agricultural smuggling sa bansa.

Sa forum ng National Press Club ngayong Biyernes, sinabi niyang ikinagulat niyang kasama ang kaniyang pangalan sa listahan na inilabas ng Senado.

“Noong hearing kasi hindi man lang ako natanong kahit isa lang. Fisheries was not even the center of the issue kundi vegetables at meat products lalo na sa pork. Tapos paglabas, kasama ‘yong pangalan ko sa coddler ng smuggling. Wow. I deny any involvement,” ayon kay Gongona.

Sumulat si Gongona sa Senado para bigyang-linaw ang pagkakadawit niya at nais malaman kung kanino sa Department of Agriculture nanggaling ang report.

Handa rin siyang sampahan na lang ng kaso sa Office of the Ombudsman para maimbestigahan.

“Trabaho po nila yun na magkaroon nn imbestigasyon sa Senate para ma-improve ang Sistema pero hindi ang magpahiya ng tao… Kasuhan na lang nila ako sa Ombudsman para malamin natin,” ayon kay Gongona.

Dagdag pa niya, hindi sakop ng BFAR ang pag-apruba ng import permit.

“Ang BFAR, we are not importing. Ang nag-iimport, DA. We just give figures. Ilan ba ang kulang diyan? The last time sabi naming 66,000 metric tons of fish. Akalain mo diyna sa DA nga, meron diyang panukala ‘yong adviser ni Secretary Dar, ang gusto niya mag-import ng 400,000 metric tons of fish,” ayon kay Gongona.

Hanggang pag-issue lang din ng Sanitarry Phytosanitary import clearance ang trabaho ng BFAR at hindi ang first border clearance.

“Pag sumobra ang arrival, may smuggling diyan. Hindi namin trabaho ang sa smuggling. We have Bureau of Customs kung ano ang nangyayari and we give out the figures so paano ako mai-involve diyan?” pahayag ni Gongona.

Para naman sa dating chairman ng Presidential Anti-Corruption Commission Greco Belgica, maaaring naisama sa listahan ang mga opisyal ng DA dahil sa kanilang posisyon.

“Sina direktor, Usec. Eric, and some other officials, easy suspects because of the positions they are holding. Yung inilabas ni Senator Sotto, kailangan pang imbestighan ‘yan. Unang-una sinabing sa DA galing so this is an intelligence report. Yung position po ni Usec. Gongona, nasa taas siya. Eh ang operations nasa baba kaya siya ang napagibibintangan pero tumatanggap lang naman siya ng report,” ayon kay Belgica.

Sinabi rin ni Gongona na wala siyang balak manatili sa BFAR matapos ang anim na taong paninlbihan bilang director nito sa termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Hanggang ngayon walang pangalan na nakatutuok sa akin. Baka iniisp nila ire-reappoint nila ako. Sa kanila na ang BFAR. Tama na yung anim na taon dito and I did my job,” saad ni Gongona.

Muli naman niyang binanggit na nakamit ng BFAR Central Office ang pinakamataas na audit rating mula sa Commission of Audit sa ilalim ng kanyang liderato.

Dagdag pa niya, bumaba rin ng 10% ang poverty incidence ng mga mangingisda.

Pero duda rito ang grupong Pambansang Lakas Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya).

“Fishers are still among the poorest of the poor sectors amid being an archipelagic country endowed with abundant marine and aquatic resources,” ayon kay Ronnel Arambulo, national spokesperson ng Pamalakaya.

KAUGNAY NA ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT