Dawit sa rape, huli matapos ang 5 taon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dawit sa rape, huli matapos ang 5 taon
ABS-CBN News
Published Jul 09, 2018 10:57 PM PHT
|
Updated Aug 08, 2019 11:54 AM PHT

Matapos magtago ng limang taon, naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaking nanggahasa umano sa kaniyang noon ay 13 anyos na kapitbahay.

Hinuli ng mga tauhan ng NBI sa isang operasyon sa Bacoor, Cavite ang suspek na si Eranio Solomon, na limang taong nagtago matapos umanong halayin ang biktimang si alyas "Cathy."

"Hinubaran niya ako. Tinutukan niya ako ng kutsilyo. Sabi niya sa akin papatayin niya ako kung magsusumbong ako,” kuwento ni Cathy.

Bukod sa panghahalay, ilang beses ding sinundan ng suspek ang biktima sa paaralan nito.
Bukod sa panghahalay, ilang beses ding sinundan ng suspek ang biktima sa paaralan nito.
ADVERTISEMENT
Katuwiran naman ni Solomon, nahalay niya ang biktima dahil sa kalasingan.

“Lasing po ako noon, hindi ko sinasadya," anang suspek.

Kuwento pa ng ina, pinagtangkaan at sinuhulan sila ng suspek para hindi magsumbong sa mga awtoridad.

“Inalukan nila kami ng tatlong milyon para iatras ang kaso, nagsabi pa sila na makakawala rin siya kasi malakas silang Iglesia sa NBI,” sabi ng ina ng biktima.

Nagbabala naman si Dennis Syihian, pinuno ng NBI Anti-Organized and Transnational Crime division, na huwag basta-basta iwanan ng mga magulang ang kanilang mga anak.

"Siguradong alamin kung sinong kausap at lumalapit sa kanila. Iyan kasi yung edad na napaka-vulnerable," aniya.

Inaalam ng NBI kung paano nakapagtago at nakatanggap ng trabaho si Solomon kahit may ihinain na arrest warrant laban sa kaniya.

-- Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT