Sunog sumiklab sa Camp Olivas sa Pampanga

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sunog sumiklab sa Camp Olivas sa Pampanga

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 10, 2020 03:33 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Gracie Rutao, ABS-CBN News

(UPDATE) Sumiklab ang sunog sa multipurpose hall ng Camp Olivas sa San Fernando, Pampanga Huwebes ng gabi.

Naapula ng mga bombero ang sunog lagpas alas 11 ng gabi, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Ayon sa BFP, halos paubos na ang gusali nang datnan nila ito.

“Nasa gitna yung apoy at kasalukuyang naco-consume yung establishment. Almost mga 80 percent na. Opo malaki na,” ani San Fernando City fire marshall Insp. Christopher Lumiwes.

ADVERTISEMENT

Swerteng ligtas na nakalabas ang 3 babaeng pulis na nakaduty sa loob ng gusali nang mangyari ang sunog na umabot sa ikalawang alarma.

Higit-kumulang P5 milyong halaga ng ari-arian ang nasira, ayon sa BFP.

Ayon sa tagapagsalita ng kampo, ito ang multipurpose hall kung saan isinasagawa ang "Rektang Konek, Aksyon Agad" na multimedia program ng PRO-3.

Ito ang dating PANA hall na ipinangalan sa dating regional director na si Police Chief Supt. Aaron Aquino.

Dekada 70 pa umano ang gusali na kalauna’y isinaayos bilang conference studio. - Ulat nina Gracie Rutao at Trisha Mostoles, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.