ALAMIN: Paano magparehistro para makaboto sa halalan? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Paano magparehistro para makaboto sa halalan?

ALAMIN: Paano magparehistro para makaboto sa halalan?

Josiah Antonio,

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Sa darating na halalan magluluklok muli ang mga Pilipino ng mga bagong lider na mamumuno sa ating bansa.

Kakaharapin na mga isyu ng bagong mamumuno sa ating bansa ang patuloy na pagharap sa COVID-19 pandemic, pag-ahon ng marami sa kahirapan, maayos na edukasyon para sa mga kabataan, at iba pa.

Ang pagboto ay kapangyarihan at karapatan ng mga mamamayan na pumili ng mga lider na kasama nilang haharap sa mga hamon na ito.

Pero bago ‘yan, kinakailangan mo munang magparehistro para makaboto. Alamin natin ang mga hakbang sa proseso ng voters’ registration sa Commission on Elections (Comelec).

ADVERTISEMENT

SINO ANG MGA PWEDENG BUMOTO?
May ilan lamang qualifications para makaboto sa darating na halalan. Ito ay:

  • at least 18 anyos bago ang araw ng halalan
  • residente ng Pilipinas sa loob ng 1 taon
  • residente sa lugar kung saan mo nais bumoto 6 buwan bago ang araw ng eleksyon

ANU-ANONG GOVERNMENT ID ANG PWEDENG TANGGAPIN SA REGISTRATION
Magsisilbi ang inyong identification card bilang patunay na kayo ay pwedeng magparehistro. Ito ay ilan sa mga tinatanggap na IDs ng Comelec:

  • Employee ID
  • Postal ID
  • PWD ID
  • School/University ID
  • Senior Citizen ID
  • Driver’s license
  • NBI clearance
  • Passport
  • SSS/GSIS ID
  • IBP/PRC ID

ANO ANG MGA KAILANGANG DALHIN SA VOTERS’ REGISTRATION?

Sa kabila ng pandemya kinakailangan pa ring magpunta sa lokal na opisina o kaya sa mga satellite sites ng Comelec dahil kukuhanan ang mga magpaparehistro ng fingerprint, picture, at pirma.

Maaaring through online appointment o walk-in ang pagpaparehistro at kinakailangan dala niyo ang mga sumusunod:

  • 3 copies ng Application Form (na maaaring madownload dito)
  • 1 Valid ID at photocopy nito
  • Sariling ballpen
  • Original at photocopy ng birth certificate kung ikaw ay below 18 years old

Maaari ring makuha ang Application Form sa inyong Comelec office kung walang kakayahang mag-print.

ADVERTISEMENT

PAANO MAGPAREHISTRO PARA MAKABOTO?

STEP 1: Sagutan ang application form

Pumunta lamang sa irehistro.comelec.gov.ph. para makapagfill-out ng forms. Maaari ring makuha ang application form sa inyong local Comelec office kung walang kakayahang mag-print.

STEP 2: I-submit ang voter registration form at magpakuha ng biometrics.

Nakadepende sa local na opisina ng Comelec ang proseso ng voters’ registration sa inyong lugar. Isumite ang inyong application form at iba pang mga requirements.

Matapos ang verification, kukuhanan kayo ng mga local na opisyal ng inyong larawan, biometrics at signature.

STEP 3: Kunin ang acknowledgment receipt. Pruweba ito na nakapag submit ka na ng iyong application.

PAANO NAMAN GAMITIN ANG MOBILE APP NG COMELEC PARA SA VOTERS’ REGISTRATION?

Gumawa na rin ang Comelec ng mobile app para mas mapabilis ang proseso. Narito ang mga hakbang para gamitin ito:

  • I-download ang Mobile Registration Form App sa bit.ly/MobileFormApp
  • Kahit hindi gumagamit ng internet, i-press ang "get started" at piliin ang uri ng application gaya ng "new registration," "transfer," "reactivation," "change of name," o "correction of entries"
  • Punan ang form at i-generate ang QR code

Bukod sa QR code magdala pa rin ng valid government ID at ipasa ito sa local na Comelec office at kukuhanan pa rin kayo ng larawan, biometrics at signature pagkatapos ay bibigyan ng acknowledgment receipt.

ADVERTISEMENT

Matapos nito ay rehistrado ka na para sa darating na halalan.

ANONG ARAW AT ORAS BUKAS ANG MGA COMELEC OFFICES?

Bukas ang mga Comelec offices simula Lunes hanggang Huwebes simula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Maaaring magparehistro para sa halalan sa 2022 hanggang September 30, 2021. Kaya naman magparehistro na para makaboto.

—May ulat nina Katrina Domingo at Elle Buentipo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.