Mga residente sa Tacloban, nababahala sa mga bitak sa bahay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga residente sa Tacloban, nababahala sa mga bitak sa bahay

Geron Ponferrada,
ABS-CBN News
Published Jul 11, 2017 04:53 AM PHT

TACLOBAN CITY - Ikinabahala ng ilang residente sa Ridgeview Park sa Brgy. Cabalawan, Tacloban City ang nakitang mga bitak sa kanilang bahay.

Ayon kay Nestor Juanite, nababahala sila lalo na at sunod-sunod ang mga lindol sa rehiyon.

"Nakakatakot nga eh, lalo na yung nag-umpisa na yung crack siyempre paglindol uli, tutuluyan na iyan" ani Nestor.

Lunes ng umaga, niyanig muli ng magnitude 5.8 na lindol ang Leyte.
Lunes ng umaga, niyanig muli ng magnitude 5.8 na lindol ang Leyte.
ADVERTISEMENT
Epicenter ng lindol ang Ormoc at intensity 4 ang naranasan sa Tacloban.

Ayon kay Evelyn Sanchez, hindi niya tiyak ang kaligtasan ng kanyang pamilya habang naroon sa permanent shelter.

"Natataranta kasi mga local lang itong mga bahay na ito eh," sabi ni Evelyn.

Sinabi naman ng tagapagsalita ng Tacloban City housing office na si Ted Jopson, magpapatawag sila ng pagpupulong kasama ang stuctural engineer ng NHA at city building official para suriin ang mga permanent shelter.