Huling lamay ng pinatay na Grade 7 student sa Laguna, dinagsa ng kaibigan at kaanak

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Huling lamay ng pinatay na Grade 7 student sa Laguna, dinagsa ng kaibigan at kaanak

ABS-CBN News

Clipboard

LAGUNA—Dinagsa Miyerkoles ng gabi ang huling gabi ng lamay ng Grade 7 student na pinatay sa loob ng paaralan sa Calamba, Laguna.

Sinariwa ng mga kaibigan at kaanak ang magagandang katangian ng 15 anyos na biktima.

"Mabait po siya. Malambing. Concerned po siya sa ginagawa ko. Kapag ang suot ko, hindi maayos sinasabihan niya ako," ani Mary Jane Galano.

Matulungin din umano sa mga kaklase ang binatilyo kung saan ibinibigay nito ang baon sa iba kahit wala na siyang makain.

ADVERTISEMENT

"Kapag broken ako, lagi niya ako dinadamayan. Nung nag-break kami ng jowa ko, siya nagsasabi na kaya mo 'yan," ani Stephanie Campos.

Nagpapasalamat naman ang lola ng binatilyo sa pagkahuli ng suspek na kinilalang si Renando Valderama noong Martes.

Pinayagan din kahapon ang ina ng biktima na bumisita sa burol ng anak. Ibinalik siya sa Calamba City Jail makalipas ang 30 minuto.

Sinisisi niya ang sarili dahil kung hindi siya nakulong ay nabantayan at naalagaan niya sana ang kaniyang anak. Halos 1 taon na siyang nakakulong dahil sa illegal drugs.

Nangako siyang tuluyan nang magbabagong-buhay para sa kaniyang 2 pang anak. Nakatakda siyang lumaya sa Agosto.

ADVERTISEMENT

"Nangangako ako hindi na ako babalik sa bisyo. Magiging aral na sa akin ito," aniya.

Sinampahan rin kahapon ng kasong illegal possession of firearms ang suspek na nauna nang kinasuhan ng murder.

Nakatakdang idaos ang misa Huwebes ng tanghali bago ihatid sa kaniyang huling hantungan ang biktima.—Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.