Estudyante, nabundol ng kotseng minamaneho ng guro | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Estudyante, nabundol ng kotseng minamaneho ng guro

Paul Palacio,

ABS-CBN News

Clipboard

Agad na nilapatan ng paunang lunas ang Grade 7 student na nabundol ng kotse na minamaneho naman ng isang guro sa Davao City. Paul Palacio, ABS-CBN News

DAVAO CITY - Sugatan ang isang Grade 7 na estudyante matapos na mabangga ng kotseng minamaneho naman ng isang guro, Huwebes ng umaga.

Agad na nilapatan ng lunas ng emergency medical technician ng 911 ang estudyante na nagtamo ng mga sugat sa katawan at ulo.

Ayon sa imbestigasyon, tumatawid sa Davao-Bukidnon highway ang bata para pumasok sa Catalunan Pequeño National High School pasado alas-7 ng umaga nang mabundol.

Sa pahayag naman ng guro, nakita na niya umano ang estudyante na tumatawid sa highway kaya nag-menor na siya ng takbo. Hindi umano niya inakala na magtutuloy sa pagtawid ang bata kaya niya nabangga.

ADVERTISEMENT

Dinala muna sa kustodiya ng Talomo Police ang guro para imbestigahan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.