Comelec, inilabas na ng kumpletong schedule ng registration para sa barangay, SK elections

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Comelec, inilabas na ng kumpletong schedule ng registration para sa barangay, SK elections

Johnson Manabat,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Inilbas na ng Commission on Elections (Comelec) ang kumpletong schedule ng nagpapatuloy na voter registration para Barangay at Sangguniang Kabataan elections na gaganapin sa Disyembre 5, 2022.

Sa memorandum na pirmado ni Atty. Divina Blas-Perez, Director IV ng Election and Barangay Affairs Department ng Comelec, inatasan nito ang Information and Technology Departement ng komisyon na i-post sa Comelec website ang kabuuang schedule ng isinasagawang voter registration.

Sabi ni Atty. Blas-Perez, idedetalye dito ang eksaktong lugar at petsa ng voter registration.

"For public information kung nasaang venue, example mall ang conduct ng registration ng specified areas. Para sa stated dates/schedule/venue dun pupunta ang mga applicants-voters hindi sa Office of the Election Officer," sabi ni Blas-Perez.

ADVERTISEMENT

Dagdag pa niya, kalimitan kasing isinasagawa ang registration sa Office of the Election officer kaya kung lalabas dito o ililipat ang venue ng registration ay dapat na maimpormahan din agad ang publiko para iwas abala.

Magkakaroon aniya ng abiso sa mga opisina ng bawat election officer para sa kabatiran ng mga botante.

Ayon kay Comelec acting apokesman Atty. John Rex Laudiangco, sa mga susunod na araw ay maaari nang ma-access ng publiko sa Comelec website ang kumpletong schedule na ito ng registration.

"These are the schedules of the off site and satellite registrations po for the information of the public. The same schedules will be posted at the website for ready reference as to where the applicants may proceed at any given day," ani Laudiangco.

Nilinaw din ni Laudiangco na sa ngayon, mananatili pa rin sa orihinal na schedule ang voter registration para sa barangay at SK elections na nagsimula noong July 4 at magtatapos sa July 23, 2022.

ADVERTISEMENT

Layon lamang aniya ng pagkakaroon ng mga satellite registration na ilapit pa sa publiko ang pagpaparehistro at gawin itong mas madali para sa mga botante.

"Yes. Same schedule, as registration remains to be July 4-23. But please note the places/venues po. These are what we have been saying po that we will be bringing the registration closer to the public at venues more convenient and safer," dagdag pa ni Laudiangco.

Kasama sa mga magsisilbing lugar para sa satellite registrations ang ilang mga piling mall, barangay hall, covered court at community center.

Ayon sa Comelec, bukas ang registration kahit Sabado at holiday para sa lahat ng mga kuwalipikadong botante na 15-anyos pataas pagsapit ng barangay at sk elections sa disyembre a-singko.

Umaapela rin ang Comelec sa mga magpaparehistro na sagutan na ang form bago pa magtungo sa mga tanggapan ng Comeleco sa satellite registration sites para mapabilis ang pila.

ADVERTISEMENT

Una nang sinabi ng Comelec na available sa mga tanggapan nito ang form at puwede rin i-download mula sa Comelec official website.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.