Bus nahulog sa bangin sa TPLEX; 1 patay, 34 sugatan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bus nahulog sa bangin sa TPLEX; 1 patay, 34 sugatan
ABS-CBN News
Published Jul 12, 2023 04:26 PM PHT
|
Updated Jul 12, 2023 07:33 PM PHT

MAYNILA — Isa ang namatay habang 34 ang nasugatan, karamihan ay mga estudyante, matapos mahulog sa bangin ang isang bus sa Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway sa probinsya ng Tarlac, Linggo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Pura MPS, binabaybay ng bus ang southbound direction ng TPLEX mula probinsya ng Abra nang mawalan umano ng kontrol sa sasakyan ang driver sa bahagi ng Brgy. Poroc, Pura, Tarlac pasado alas-1:55 ng madaling-araw.

"Driver lost control on his wheels, collided on the steel barrier and eventually fell on a ravine along TPLEX as a result, the driver and his conductor together and 32 passengers sustained injuries and immediately brought to Tarlac Provincial Hospital," ani Pura police station chief Police Maj. Arnedo Padilla.

Sa lakas ng impact, 1 ang patay na kinilala ng mga awtoridad na dean sa isang paaralan sa Abra.
Sa lakas ng impact, 1 ang patay na kinilala ng mga awtoridad na dean sa isang paaralan sa Abra.
ADVERTISEMENT
Dagdag pa ng mga awtoridad, nasa 6 na oras nang bumabyahe ang bus nang mangyari ang aksidente. Sa panayam ng mga pulis sa driver, naidlip umano ito habang nagmamaneho.

"Ang initial na nalaman natin na inaantok itong driver, yun po ang naging problema kaya human error," ani Pineda.

Palala ng mga awtoridad, siguruhing maayos ang kondisyon hindi lang ng sasakyan kundi maging ng magmamaneho bago bumyahe.

Pansamantalang pinakawalan ang driver ng bus habang patuloy ang imbestigasyon at settlement ng magkabilang panig.

— Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT