Pagawaan ng muwebles sa Palawan, huli sa 'paggamit ng ipil' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagawaan ng muwebles sa Palawan, huli sa 'paggamit ng ipil'
ABS-CBN News
Published Jul 17, 2018 01:29 PM PHT

QUEZON, Palawan – Tatlong furniture shop sa Sitio Bugon, Barangay Malatgao, Quezon ang sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD), Bantay Palawan Task Force, at Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) nitong Biyernes matapos ang mga ulat ng ilegal na pagputol ng puno.

Napag-alaman kasi na gumagamit ng banned species na ipil ang nasabing mga furniture shop na pagmamay-ari umano nina Ricky Banggay, Crispin Binas, at Genalyn Zabalo.

Nasabat sa kanila ang nasa tinatayang 1,687 board feet ng ipil lumber at 693 board feet ng muwebles na gawa sa ipil.

Aminado ang PCSD na maraming furniture shop sa Palawan ang walang kaukulang dokumento para maging legal ang operasyon.

Idagdag pa rito ang kanilang paggamit ng kahoy na ipil na ipinagbabawal sa batas.

"Marami na tayong furniture shops dito na hindi naman rehistrado 'yung kanilang pino-produce na kahoy. Ngunit magtataka ka, ang ipil ay banned species eh bakit may mga nakikita pa tayong ipil sa furniture shops di ba," hinaing ni Jovic Fabello, tagapagsalita ng PCSD.

Paglilinaw ni Fabello, kapag ipil ay awtomatikong bawal na itong gamitin sa furniture shops dahil maaaring ilegal ang operasyon ng establisimyento.

"Kailangan pa nating inspeksiyunin lahat ng mga 'yan at tingnan kung ano bang mga kahoy ang kina-cut nila at pino-produce," paliwanag ni Fabello.

Nag-turn over na sa Community Environment and Natural Resources Office (CENRO)-Quezon ng mga kahoy.

Nahaharap naman sa paglabag sa Presidential Decree 705 o Forestry Code of the Philippines ang mga nahuli.

—Ulat ni Lynette Dela Cruz, ABS-CBN News