Mga ospital, iba pang negosyo sa Occ. Mindoro dumadaing sa power crisis | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga ospital, iba pang negosyo sa Occ. Mindoro dumadaing sa power crisis
ABS-CBN News
Published Jul 18, 2022 04:34 PM PHT
|
Updated Jul 18, 2022 07:35 PM PHT

Dumadaing na ang mga ospital at iba pang negosyo sa Occidental Mindoro bunsod ng nararanasan nilang problema sa suplay ng kuryente.

Sa bayan ng Mamburao, idinadaing ng Occidental Mindoro Provincial Hospital ang laki ng gastos nila sa krudo para sa generator, lalo't mataas ang presyo ng petrolyo.

Umaabot sa P100,000 ang gastos ng ospital sa kada 12 oras na brownout, ayon sa hospital chief na si Dr. Reynaldo Feradero.

Halos ganoon din umano ang sitwasyon sa ibang district hospital na pinapatakbo ng provincial government.
Halos ganoon din umano ang sitwasyon sa ibang district hospital na pinapatakbo ng provincial government.
ADVERTISEMENT
Pero higit umanong ikinababahala ng Occidental Mindoro Provincial Hospital ang posibleng pagkasira ng mga nakaimbak nilang bakuna kontra COVID-19, lalo kung masisira ang nag-iisa nilang generator.

Ayon kay provincial board member Ryan Gadiano Sioson, chairman ng health committee ng Sangguniang Panlalawigan, naghain na siya ng resolusyon para hilingin sa Occidental Mindoro Electric Cooperative Inc. (Omeco) na i-exempt ang lahat ng ospital sa rotational brownout.

Maliban sa mga opsital, maging ang mga maliliit na negosyo ay sapul ng power interruption.

Sa Sablayan, tambak ang mga damit na hindi malabhan sa isang laundry shop dahil hindi nila alam kung kailan magkakakuryente.

Hindi umano makagamit ng generator ang laundry shop dahil sa laki ng gastos sa krudo.
Hindi umano makagamit ng generator ang laundry shop dahil sa laki ng gastos sa krudo.
ADVERTISEMENT
Samantala, nagbabala naman ang pamunuan ng power provider na Occidental Mindoro Consolidated Power Corporation (OMCPC) na posibleng magkaroon ulit ng shutdown sa supply ng kuryente.

Ito'y kung hindi anila makakabayad ang Omeco ng P80 milyon na buwanang subsidized approved generation rate.

Pero ayon kay Omeco board president Eleanor Costibolo, nakahanda na ang kanilang pambayad kaya walang dapat ipag-alala ang mga taga-probinsiya.

Nagdeklara noong nakaraang linggo ang Occidental Mindoro ng "state of power crisis" dahil sa problema sa supply ng kuryente.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
regions
regional news
Occidental Mindoro
power crisis
kuryente
hospitals
Occidental Mindoro Provincial Hospital
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT