Tindahan na nagbebenta ng 'expired' grocery items sinalakay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tindahan na nagbebenta ng 'expired' grocery items sinalakay

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 21, 2023 07:44 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Sinalakay ng mga awtoridad nitong Biyernes ang isang tindahan sa Barangay Capri sa Quezon City na nagbebenta umano ng expired na de lata at iba pang pagkain.

Ayon sa pulisya, binubura at pinapalitan umano ng mga suspek ang expiration date ng mga pagkain at ibinebenta ito sa murang halaga.

Agad inaresto ang mga suspek na nadakip sa bisa ng operasyon. Mahigit 30 search warrant ang inilabas sa pagkumpiska ng expired grocery items.

Kita sa mga nakuhang grocery items ang buradong expiration date sa de lata, palaman, instant coffee, at kinakalawang na takip ng alak.

ADVERTISEMENT

"Okay naman kasi nakakain po namin," katuwiran ng isa pang suspek na nagsabing alam ng mga mamimili na expired ang mga bilihin.

Pinabulaanan naman nila ang mga paratang na pinapalitan nila ang expiration date, pero nang puntahan ang bahay nito ay nakita umano ang mga ginagamit para palitan ito.

Bago ang operasyon, nauna nang nag-test buy ang mga pulis at ipinasuri ito sa quality assurance ng nagreklamong kompanya.

Inaalam na rin ng pulisya kung saan nanggaling ang mga ibinebentang produkto.

Posibleng maharap sa kasong paglabag sa intellectual property code at food safety and consumer protection act ang mga suspek.

-- Ulat ni Jeff Caparas, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.