2 pulis tiklo sa pagpapaputok ng baril sa videoke bar | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 pulis tiklo sa pagpapaputok ng baril sa videoke bar
ABS-CBN News
Published Jul 24, 2017 08:36 AM PHT

Sa kabuuan, dalawang pulis at dalawang sibilyan ang inaresto sa standoff sa loob ng videoke bar. | @michael_delizo pic.twitter.com/iVSrTC8ZOU
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) July 23, 2017

MANILA - Inaresto ang 2 pulis matapos umanong magpaputok ng baril sa isang videoke bar sa Tondo, Maynila Lunes ng madaling-araw.

Kuwento ng mga tauhan sa bar, lasing at nakasibilyan sina SPO2 Ryan Marcelo at PO2 Ramada Mupa nang dumating sa lugar.

Bigla na lang anilang naglabas ng baril ang 2 pulis nang batiin sila ng 2 pang kustomer na kanilang kakilala.

"Sabi, 'Andito pala kayo sir.' E di sabi, 'Andito rin pala kayo, isang putok naman diyan.' Bumunot na ng baril," kuwento ng waitress na si Bea Guevarra.

Nadaplisan ng bala ang isang kustomer nang barilin ni Marcelo ang sahig.

Matapos nito, nagkulong ang 2 pulis sa bar.

Nasa 2 oras silang hinimok ng police Special Weapons and Tactics (SWAT) team na lumabas sa bar.

Nag-deploy ng pwersa ang Manila police nang may lasing na pulis ang nagwala at namaril sa videoke bar sa Tayuman, Maynila. | @michael_delizo pic.twitter.com/Q5WuxSN9Ya
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) July 23, 2017
Nag-deploy ng pwersa ang Manila police nang may lasing na pulis ang nagwala at namaril sa videoke bar sa Tayuman, Maynila. | @michael_delizo pic.twitter.com/Q5WuxSN9Ya
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) July 23, 2017
Gayunman, binulyawan ni Marcelo ang mga rumespondeng pulis pati ang kanyang ama na sumama sa negosasyon.

Kinalaunan, ginamitan ng SWAT si Marcelo ng taser gun saka pinosasan.

Matapos ang dalawang oras na negosasyon, ginamitan ng taser gun ang nagwawalang pulis para maaresto. | via @michael_delizo pic.twitter.com/QjcNYzEDU4
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) July 23, 2017
Matapos ang dalawang oras na negosasyon, ginamitan ng taser gun ang nagwawalang pulis para maaresto. | via @michael_delizo pic.twitter.com/QjcNYzEDU4
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) July 23, 2017
Idiniretso nila si Marcelo at Mupa sa imbestigasyon. Dinala rin sa presinto ang 2 kustomer na bumati sa mga pulis na sina Julius Ceasr Faustink at Augustus Ben.

Inaalam pa kung issued firearm ang ginamit ni Marcelo sa insidente. -- May ulat nina April Rafales at Michael Delizo, ABS-CBN News