Abra, ilang lugar sa Luzon niyanig ng magnitude 7 na lindol | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Abra, ilang lugar sa Luzon niyanig ng magnitude 7 na lindol
ABS-CBN News
Published Jul 27, 2022 04:28 PM PHT
|
Updated Jul 27, 2022 08:23 PM PHT

MAYNILA (2ND UPDATE) - Ginimbal ng lindol na may lakas na magnitude 7.0 ang ilang bahagi ng Luzon, kabilang ang Abra, kung saan naitala ang epicenter, at ang Metro Manila, umaga ng Miyerkoles.

Ayon sa mga opisyal, lima na ang namatay sa trahedyang nangyari alas-8:43 ng umaga.

Nasira sa lindol ang bahagi ng ilang heritage structures, gaya ng ilan sa Ilocos region at sa Abra.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang sentro ng lindol sa layong 3 kilometro hilagang kanluran ng Tayum, Abra, na may lalim na 17 kilometro.

Naramdaman ang pagyanig sa Bucloc at Manabo, Abra (Intensity VII), at sa Vigan City, Sinait, Bantay, San Esteban sa Ilocos Sur; Laoac, Pangasinan; at sa Baguio City (Intensity VI).

Intensity V at IV naman sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila, at Intensity III sa bahagi ng Laguna at Cavite.

Naidokumento ang lindol sa ABS-CBN TeleRadyo habang kinakapanayam ni Kabayan Noli de Castro sa pamamagitan ng Zoom si Dr. Maria Minerva Calimag ng Philippine Medical Association.

Ibinihagi ni Calimag, na nasa Ilocos Sur, ang naramdamang pagyanig eksaktong alas 8:43. Isang minuto ang makalipas, si De Castro naman, na nasa loob ng ABS-CBN sa Quezon City, ang nakaramdam nito.

PANOORIN
Ayon kay Phivolcs officer-in-charge Renato Solidum, major earthquake kung maituturing ang magnitude 7.0 na lindol kaya kahit nasa northern Luzon ang sentro nito, umabot ang pagyanig sa maraming iba pang lugar.

Posible umanong ang Abra River fault ang gumalaw at nagdulot ng lindol.

Napinsala ang ilang heritage structures gaya ng Santa Catalina De Alejandria Parish Church sa Tayum, Abra at ilang heritage houses sa Ilocos Sur.

"'Yung isang lumang building ho namin, medyo malaki ang damage nu'n, may mga nasirang structures, may mga tinamaan na sasakyan, may mga cracks 'yung some of our municipal police stations," ani Abra police chief Col. Maly Cula.

Mahigit 200 taon na ang tanda ng Santa Catalina de Alejandria Parish Church sa Tayum, na pinakamatandang Simbahang Katolika sa Cordillera region, na naging national cultural treasure noong 2001.

Napinsala din ang isa sa kambal na belfry o lagayan ng kampana ng San Lorenzo Ruiz Shrine Church, na itinayo rin noong 1800s.

May signal ng telecommunication pero nawalan ng kuryente ang buong probinsiya.

Nabuwag ang taas ng bahagi ng Vigan Cathedral sa lakas ng lindol, at karamihan umano sa mga nasirang estruktura sa Ilocos Sur ay mga lumang gusali at kalsada.

Kumaripas ng takbo palabas ng Bangued Public Market ang mga namimili at vendor nang tumama ang lindol.

Ayon kay Abra Vice Governor Joy Bernos, kabilang sa mga napinsala ay ang provincial hospital kung saan gumuho ang isang bahagi ng pasilidad. May tulay rin aniya sa bayan ng Laganilang na gumuho.

Nakapagtala ng rockslides sa mga kalapit na lugar gaya ng Sagada ang mga awtoridad, habang sinuspinde na rin ang klase sa Baguio City.

Pansamantala ring itinigil ang operasyon ng mga linya ng tren sa Kamaynilaan kasunod ng lindol.

Bagaman may paunang pagtugon na ang mga awtoridad, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi muna siya tutungo sa mga apektadong lugar sa norte upang hindi makaistorbo sa emergency response.

"Let us wait for them (local officials) to tell us what the true situation is. And maybe, I can schedule a trip perhaps tomorrow, as soon as possible," aniya sa isang press conference.

Inatasan na ang mga lokal na pamahalaan na i-report ang sitwasyon sa kanilang lugar.

Paalala ni Solidum sa publiko na huwag mag-panic kung nagpapatuloy ang aftershocks na puwedeng tumagal sa mga susunod na linggo.

"Ano po ang dapat gawin? Unang una, sa mga lugar na may damage, mag-inspeksiyon sa mga bahay, gusali, mga imprastraktura, lalo na sa kalsada at tulay. Most likely, nakita ko na ang mga pictures, maraming landslide na mangyayari. Puwede pong may mga baradong kalsada o isolated na mga lugar," ani Solidum.

-- May mga ulat nina Anjo Bagaoisan, Jorge Cariño, Grace Alba, Gracie Rutao, Bianca Dava, at Pia Gutierrez, ABS-CBN News
KAUGNAY NA VIDEO
Read More:
Luzon earthquake
Abra earthquake
lindol
Metro Manila
regional news
regions
earthquake
tremor
EarthquakePH
disaster
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT