2 construction worker sugatan matapos mabagsakan ng pader sa Maynila | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 construction worker sugatan matapos mabagsakan ng pader sa Maynila

2 construction worker sugatan matapos mabagsakan ng pader sa Maynila

Johnson Manabat,

ABS-CBN News

Clipboard

Dalawa ang sugatan sa aksidente sa isang construction site sa Sta. Mesa, Maynila. Larawan mula kay Barangay 617 chairman Ludwig Sonalo
Dalawa ang sugatan sa aksidente sa isang construction site sa Sta. Mesa, Maynila. Larawan mula kay Barangay 617 chairman Ludwig Sonalo

MAYNILA — Sugatan ang 2 construction worker sa aksidente sa isang itinatayong gusali sa Bacood sa Sta. Mesa, Maynila nitong Huwebes ng hapon.

Kuwento ng construction workers na sina Darwing Rubiales at Ryan Asibis, halos 3 linggo na silang gumagawa sa lugar nang bigla na lang bumagsak ang lumang pader sa kanilang pinagtatrabahuhan.

“Naghuhukay sa baba, tapos hindi namin alam na bumabagsak pala 'yung pader na 'yun. Nabagsakan 'yung dalawa,” sabi ni Asibis.

Nasa 9 anila sila noon sa construction site nang mangyari ang aksidente at 2 sa kanilang kasamahan ang nasaktan, na agad din namang na-rescue ng mga rumespondeng rescue team.

ADVERTISEMENT

Nakilala ang mga biktima na sina Clarence Bautista at John Paul Ricafort na dinala na sa ospital. Mula sa Mabitak, Laguna ang grupo ng mga construction worker at dumayo pa sa Maynila para magtrabaho.

“May tumawag na concerned citizen at nagmalasakit na may nalaglagan na gumuhong adobe, tiningnan po natin ano nga po nadaganan... 'Yung isa po ay nawalan ng malay nang 2 minutes, 'yung isa po bale fractured po 'yung kanyang balikat,” ani chairman Ludwig Solano ng Barangay 617.

May building permit aniya ang may-ari ng itinatayong bahay.

Sa ngayon, ayon sa mga construction worker, pansamantalang tigil muna ang kanilang trabaho base na rin sa abiso ng kanilang foreman at ng may-ari ng gusali.

IBA PANG ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.