Bilang ng mga nasawi sa bumagsak na tulay sa Cavite, umakyat sa 8

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|

Bilang ng mga nasawi sa bumagsak na tulay sa Cavite, umakyat sa 8

Dennis Datu,

ABS-CBN News

Clipboard


Umakyat na sa walo ang bilang ng mga nasawing kabataan matapos bumagsak ang isang lumang tulay sa Dasmariñas City, Cavite.

Pasado alas-2 ng hapon ngayong Huwebes nang matagpuan ng mga diver mula sa Philippine Coast Guard Auxiliary ang bangkay ng 14 anyos na lalaki — ang huling nawawala sa mga nadawit sa insidente.

Nahanap ang bangkay sa lalim na 4 talampakan at natabunan umano ng debris ng bumagsak na tulay.

Noong Miyerkoles, narekober ang bangkay ng 7 pang kabataan.

ADVERTISEMENT

Bumagsak noong gabi ng Martes ang tulay habang tinatambayan ng 13 kabataan na may edad 13 hanggang 17. Agad na-rescue at naitakbo sa ospital ang lima sa kanila.

May taas na 40 feet ang tulay, na 77 taon na. Hindi na ito ginagamit magmula 2014 dahil hindi umano ligtas.

Iginiit ng lokal na pamahalaan ng Dasmariñas na may babala sa tulay na bawal itong gamitin pero marami ang hindi sumusunod.

Ayon kay Mayor Jenny Barzaga, sasagutin ng lokal na pamahalaan ang gastusin sa burol at libing ng mga nasawi.

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.