Binangonan LGU siniguro ang tulong sa mga pamilya ng mga biktima ng lumubog na bangka | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Binangonan LGU siniguro ang tulong sa mga pamilya ng mga biktima ng lumubog na bangka
Jose Carretero,
ABS-CBN News
Published Jul 28, 2023 01:27 AM PHT

MAYNILA - Siniguro ni Binangonan Mayor Cesar Ynares ang tulong sa pamilya ng mga namatayan at sa mga survivor ng paglubog ng motorbanca na Princess Aya.

Nagtirik ng kandila at nag-alay ng bulaklak ang lokal na pamahalaan sa Pritil Port para sa mga yumao Huwebes ng gabi.

Nasa 27 ang inisyal na namatay habang 40 ang nakaligtas, ayon sa Binangonan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Bandang alas-7:15 ng gabi, itinigil na ang retrieval operations ng Philippine Coast Guard sa lumubog na MB Princess Aya sa Barangay Kalinawan Binangonan Rizal dahil sa poor visibility ng tubig at magalaw na rin ito.

Ayon kay Captain Glen Daraug, ang Deputy Commander ng Coast Guard District NCRCL, delikado na ito sa mga rescuers.

Lampas tao ang lalim ng pinaglubugan ng bangka.

Ipagpapatuloy ang rescue operations Biyernes ng umaga.

Agad din na magsasagawa ng Maritime Casualty Investigation ang Philippine Coast Guard.

KAUGNAY NA ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT