DepEd: Mga magulang, estudyante mas gusto gumamit ng modular learning | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

DepEd: Mga magulang, estudyante mas gusto gumamit ng modular learning

DepEd: Mga magulang, estudyante mas gusto gumamit ng modular learning

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nagbebenta ng pagkain si Christine Palma para may panggastos ang kaniyang pamilya ngayong may pandemya.

Pero dahil papasok ang isa niyang anak sa kindergarten ngayong school year, kailangan niyang ibilin muna sa iba ang hanapbuhay.

"Makiki-ano na lang po ako sa kapatid ko para sila muna magbantay sa tindahan para maturuan ko ang anak ko," ani Palma.

Dahil kaunti lang ang kita, mas gusto ni Palma na mag-aral ang anak gamit ang modules.

ADVERTISEMENT

"Wala kaming pang-ano ng WiFi kasi nagtitinda lang din po ako," aniya.

Sa pinakahuling resulta ng Learner Enrollment and Survey Form, lumabas na halos 9 milyon magulang at estudyante ang gustong gumamit ng self-learning modules.

Apat na milyon naman sumagot sa survey ang pabor sa blended learning, na kombinasyon na iba-ibang learning mode.

Ayon sa DepEd, ang kawalan ng gadgets ang isa sa mga dahilan kung bakit maraming mga pamilya ang pinili ang modular distance learning.

Base sa survey, nasa 6 milyon ang walang internet access, at nasa 2 milyon din ang walang laptop, gadget, TV o radio.

ADVERTISEMENT

“Because of those limitations na even in this time of pandemic na gusto pa rin nila magkaroon ng combination of face-to-face with other modalities,” ani Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan.

Pagdating sa pagtuturo sa bahay, maraming mga magulang at ibang kapamilya ang handa sa responsibilidad na ito.

Pero higit 600,000 mga bata ang walang maasahang magtuturo sa kanila sa bahay.

"'Yan ang hamon natin sa mga guro sa pakikipag-ugnayan sa mga magulang," ani Malaluan

Mayroon ding pinaplanong guidelines ang DepEd para magkaroon ng learning facilitators, ani Malaluan.

ADVERTISEMENT

Hindi naman maiwasan ng ilang guro na kabahan dahil ilang linggo na lang bago ang pasukan, wala pa umanong modules na dumadating mula sa DepEd Central Office.

"Generally in-installment iyan dahil ang pag-aaralan naman nila ay hindi naman kailangang ibigay sa kanila in one go," ani Malaluan.

Iginiit ng DepEd na walang atrasan sa pagbubukas ng klase sa Agosto 24.

Magsasagawa ng isang national dry run ng distance learning ang DepEd sa Agosto 10.

-- Ulat ni Jasmin Romero, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.