Babae natagpuang patay, tadtad ng saksak sa motel sa QC

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babae natagpuang patay, tadtad ng saksak sa motel sa QC

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Isang babaeng wala nang buhay at tadtad ng saksak ang natagpuan noong madaling araw ng Linggo sa loob ng isang motel sa Cubao, Quezon City.

Ayon kay Police Lt. Col. Mark Ballesteros, nasa edad 24 ang biktima, na nakita ng room attendant sa loob ng kuwarto na walang saplot pang-ibaba.

"Habang naglilinis po siya ng mga bakanteng room, mayroon siyang nakitang footprints na may dugo, so sinundan niya, natunton sa isang kwarto," ani Ballesteros.

"Ang ginawa po ng room attendant ipinagpaalam doon sa kaniyang supervisor. Itong supervisor binuksan 'yong pinto... pagbukas, nakita doon [ang] biktima."

ADVERTISEMENT

Hindi bababa sa 13 saksak ang tinamo ng biktima sa iba-ibang bahagi ng katawan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nag-check in sa hotel ang biktima kasama ang isang lalaki.

"In-offer-an ng services nitong victim and then nag-check in sila," ani Ballesteros.

Iniimbestigahan ng pulisya ang posibleng motibo sa krimen, lalo't wala namang nawala sa mga gamit ng biktima. Patuloy din ang kanilang follow-up operation para matunton ang suspek.

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.