4 pulis Valenzuela kinasuhan ng robbery | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
4 pulis Valenzuela kinasuhan ng robbery
Dexter Ganibe,
ABS-CBN News
Published Aug 01, 2018 05:15 PM PHT
|
Updated Aug 01, 2018 08:12 PM PHT

MAYNILA - Sinampahan na ng kasong robbery ang apat na pulis ng Valenzuela City matapos mahuli umanong nangongotong sa mga junk shop sa lungsod.

Kinasuhan sina SPO4 Seraffin Adante, PO1 Ryan Paul Antimaro, at PO1 Rey Harvey Florano na nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP) 8 ng Valenzuela City police.

Damay rin sa kaso ang PCP 8 Commander Senior Insp. Adonis Paul Escamillan na hindi kasama sa mga nahuli ng Philippine National Police-Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) sa entrapment operation nitong Martes.

Ang kasong isinampa sa Department of Justice ay base sa reklamo ng may-ari ng junk shop na si Danilo Balar. Aniya, gabi-gabi umanong iniikutan ng mga pulis ang mga junk shop para kolektahan ng P200 hanggang P500.

Ayon kay Assistant State Prosecutor Love–rhette Villordon, hindi na nagsumite ng counter-affidavit ang mga suspek kaya't mabilis na maihahain ang kaso sa korte.

-- May ulat ni Maan Macapagal, ABS-CBN News
Read More:
Tagalog news
Valenzuela City
Valenzuela police
PNP
PNP-CITF
robbery
extortion
TV Patrol
Maan Macapagal
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT