Nagbirong anak, binaril ng napikon na ama | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nagbirong anak, binaril ng napikon na ama

Nagbirong anak, binaril ng napikon na ama

Cherry Palma,

ABS-CBN News

Clipboard

Binaril ng shotgun sa lalamunan ng suspek ang kaniyang anak matapos na mapikon sa pang-aasar ng biktima.

CABATUAN, Iloilo - Dead on arrival sa ospital ang isang 22-anyos na lalaki matapos na barilin ng ama sa Barangay Ayaman sa bayang ito, Martes ng gabi.

Ayon sa pulisya, umuwi sa bahay si Angel Pillo Sr. matapos makipag-inuman sa kapitbahay. Nadatnan nito ang kaniyang anak na si Angelo na nakikipag-inuman sa mga pinsan.

Napikon umano ang suspek nang asarin ng kaniyang anak kaya agad nitong kinuha ang kaniyang 12-gauge shotgun at binaril ang biktima sa lalamunan. Hindi pa nakapagbigay ng pahayag ang suspek dahil sa umano’y sobrang kalasingan.

Sabi naman ng nakababatang kapatid ng biiktima na si Angel Jr., madalas mag-asaran ang mag-ama dahil sadya lang raw na palabiro ang biktima.

ADVERTISEMENT

Posibleng makasuhan ng parricide ang suspek pero ayon sa asawa ng suspek, hindi na nila sasampahan ng kaso dahil mawawalan siya ng katuwang sa buhay kung makulong ang asawa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.